Chapter 49

5.5K 125 16
                                    

Angel's POV

Dahan dahan akong naglalakad papunta sa silid kung saan nakita kong tumakbo si Gaux. Siya yung chakang leader ng grupo nila at siya rin yung gusto kong makalaban. Masyado kasi siyang mayabang na akala mo nasa kanya lagi ang huling halakhak. Spoiled brat!

Pagpasok ko palang ay agad na sumalubong sakin ang isang dagger. Mabuti nalang ay mabilis kong naiharang ang sandata ko. Halos nagkapira-piraso ang dagger kahit gawa pa ito sa metal.

Agad kong sinundan kung saan nanggaling ang dagger.

"Oh happy kana?" mataray kong wika kay Gaux. Isang ngisi lang ang isinagot niya sakin.

Feeling killer smile, chararat naman ang face! Pwe.

"Thank you sa mainit na pagsalubong sakin, nagustuhan ko talaga 'yon!" sarkastik kong sabi sa kanya.

"Ah talaga? Gusto mong ulitin natin?" wika niya.

"Gusto ko sana pero nakakatamad!" walang gana kong sagot sa kanya.

"You don't know kung sinong kaharap mo ngayon!" wika niya na ikinataas ng kilay ko.

"Ikaw si Gaux di'ba? Anong kakaiba sayo eh kapareho mo lang naman yung mga mahihina mong kasamahan. W-E-A-K as in WEAK!" sagot ko sa kanya.

"Huwag mo kong itulad sa kanila. Mas malakas at mas magaling ako sa kanila!" sagot niya tsaka inilabas ang isa pang dagger.

"I doubt, feeling ko nga mas weak ka pa sa kanila. Loot at you... tsk.. tsk.. very wrong!" wika ko then I folded my arms over my chest. I have to down her. Gusto kong makita ang pinaka-evil side niya. Gusto ko siyang magalit sakin. You know why? Dahil gusto kong maging maganda at memorable itong magiging laban namin. Gusto kong makita kung anong klaseng pagkahalimaw ang meron siya.

If you were ask me kung anong itsura ni Gaux, isa lang ang masasabi ko. Panget. Ang panget niya. Hindi siya yung iniisip niyong maganda katulad ng mga kontrabida sa isang teleserye. Hindi nga siya marunong maki-in sa fashion today. Duh. Yung pormahan niya parang sa Meteor Garden pa, so baduy! Ewww. Gross!

Ang laki pa ng katawan niya. Baka iniisip niyo na sexy siya katulad ko, nahh! Para siyang aparador. Babaeng kapre yata siya eh?! Kapag ba kampon ng kadiliman ay maitim sadya? Halos lahat kasi sila maiitim. Mga pinaglihi yata sila sa maitim na budhi at sama ng loob kaya mga ganya kasagwa ang pagmumukha. Wala lang, I just noticed na ang chararat ng mga mukha nilang lahat.

"Weak? Me? Or are you referring to yourself?" sarkastik na tanong niya.

Napangisi ako sa sinabi niya. "Ako weak? Haha. I don't even scared!" sagot ko sa kanya na may halong tawa dahil hindi naman talaga ako natatakot sa kanya.

"Really? Then let's see..." she said.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa sandata ko. Hindi naman ako natatakot sa kanya. She's not the type na kakatakutan ko. Duh? Wala nga akong bakas na pagkatakot sa kanya eh. Parang katulad lang siya ng mga weak na gangsters na nakakalaban namin. Ang pinagkaiba lang ay may magic siya but still the hell I care! I am fearless now unlike before. I admit na dati hindi ako ganito ka-confident. Dati may makikita ka pang side sakin na matatakot but now I am fearless.

Mabilis niyang ibinato sakin ang dagger na hawak niya. Alerto naman ako kaya mabilis ko ring iwinasiwas ang sandata ko. Katulad kanina, nagkapira-piraso ulit ang dagger. Ibang klase talaga itong sandata ko. Napakasarap gamitin. Sa lahat ng weapons na nahawakan ko, ito ang pinakanagustuhan ko. Easy to use at para siyang may sariling buhay. Yung tipong hindi mo na kailangang utusan dahil kusa na siyang gagalaw nang naaayon sa gusto mo. I'm so very lucky to have this one!

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon