Chapter 25

8.2K 198 24
                                    

Keira's POV

"Miss Cantrell! Ang libro ng Amistha nagliliwanag!" malakas na sabi ni Mister Crossrey. Nagulat naman kaming lahat sa sinabi ni Mister Crossrey.

"Tara Keira, puntahan natin ang libro ng Amistha!" sabi ni Becca. "Tuffer, Hared at Leyoh kayo muna ang bahala dito!" dagdag nya pa.

Mabilis naming nilisan ang laboratory kasama si Layla, Becca, Ashley, Maika, Keyster at Mister Crossrey papuntang library kung nasaan ang libro ng Amistha.

Lahat kami ay hingal na hingal ng dumating sa library. Malayo ang tinakbo namin mula laboratory papuntang library. Pagkadating namin ay marami ring chismosa't chismoso na nakikichismis kung anong mayroon. Nasa labas palang kami ng library pero kita na agad ang malakas na liwanag na nanggagaling mula sa loob.

"Anong meron?"
"Nagliliwanag ang libro ng Amistha!"
"Huh? Bakit kaya?"
"Di ko rin alam girl!"
"Nakakapagtaka naman!"
"Kaya nga eh!"

Rinig namin ang pagchichismisan ng bawat students na nandidito sa labas ng library. Yung iba ay nakasabay pa naming nagtatakbuhan papunta dito. Halos hindi na nga kami makadaan papasok dahil sa sobrang dami ng kumpulan ng mga estudyante.

Mga chismosa talaga! Tsk.

"Tabi muna, padaanin nyo kami!" malakas na sabi ni Becca. Hinawi naman nila Maika at Layla ang mga nakarahang na estudyante hanggang sa napakasok kami sa loob. Hindi parin nawawala ang malakas na liwanag mula sa kinalalagyan ng libro sa loob ng glass box.

"Ano po bang nangyari?" tanong ko sa Librarian.

"Hindi ko rin alam basta nagbabantay lang ako dito kanina ng biglang may kumislap na liwanag sa kinalalagyan ng libro hanggang sa lumakas ang liwanag nito. Pinalabas ko na rin ang ilang estudyante na nandidito sa loob kanina dahil nakakasilaw na masyado ang liwanag na binibigay ng libro ng Amistha!" paliwanag ng Librarian.

"Miss Cantrell maaari mo bang tingnan ang libro ng Amistha para malaman natin ang dahilan ng pagliliwanag nito?" tanong sakin ng Head Master. Tumango lang ako biglang sagot.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa libro at unti unti na ring humuhupa ang malakas na liwanag nito. Kasunod ko naman sila Becca, Layla, Maika at Keyster. Hanggang sa nakarating kami sa libro ng Amistha, biglang nawala ang malakas na liwanag nito. Parang naggo-glow na lamang sya.

Binuksan ko ang glass box kung saan nakalagay ang libro. Pagkabukas na pagkabukas ko ay biglang lumutang ang mahiwagang libro. Napanganga naman kaming lahat sa inasta ng libro. Kusang bumuka ang libro at gumalaw ang bawat pahina nito. Tumigil ito sa isang pahina at may nakasulat na...

'THE CHOSEN 8'

Iyan lang yung nakalagay sa pahina ng libro ng Amistha. Napakunot naman ang noo ko dahil sa nabasa ko. Anong 'The Chosen 8'? Napatingin din ako kila Becca at nagtataka rin sila kung anong ibig sabihin ng libro. Maaaring wala rin silang idea tungkol sa sinasabi ng libro ng Amistha.

Biglang lumiwanag muli ng malakas ang libro kaya biglang inalis ko ang tingin ko. Nakakasilaw masyado. Nang nawala ang malakas na liwanag ay biglang nagkaroon ng walong simbolo mula sa libro.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon