Chapter 43

5.9K 169 4
                                    

Keira's POV

"Kung akala nyo tapos na ang laban at nasa inyo ang huling halakhak ay nagkakamali kayo Rank #1! Hahahaha!" wika ni Gaux sabay tawa. Tumawa rin ng malakas ang mga kasamahan niya. Napuno ng tawanan nila ang buong ground.

Nagkatinginan kaming lahat nila Ella, MM, Stacey, Layla, Miya, Angel at Fanny. Masama ang kutob ko dito! Mukhang may binabalak silang hindi maganda!

"Sige itawa nyo nalang 'yan dahil 'yan na ang huling tawa nyo!" seryosong wika ko sa kanila. Hindi ko parin alam kung anong balak nilang gawin. Tinapon nila ang baril nila pero malakas parin ang loob nilang tumawa.

"Kung 'yan ang sa tingin nyo, isang malaking kalokohan 'yan Rank #1! Hahahaha" sagot ni Gaux at tumawa na naman sila ng malakas. Yung totoo? May mga saltik ba talaga sila?

"Then let's end this!" wika ko at sabay sabay naming itinutok sa kanila ang mga baril namin.

"Hindi nyo talaga kilala kung sinong kinalaban nyo Rank #1, sa tingin nyo ba lalaban kami dito ng wala kaming dalang alas? Hahaha. Mukhang samin parin ang huling halakhak!" sagot ni Gaux. Ano namang alas ang sinasabi nya? Siguraduhin nya lang na masisindak nya talaga kami ha!

"Baka nakakalimutan nyo may baril kami at wala na kayo?" sagot naman ni Ella na nakataas ang isang kilay. Gigil nila ito eh! Lalo na don kay Liah, gigil na gigil itong si Ella! Ang sama ng tingin nya.

"Wala nga kaming baril pero kaya parin namin kayong patayin, right here and right now!" sagot ni Gaux. Ang lakas din ng pananampalataya nya ah? Saan ba sya kumukuha ng lakas ng loob? Sa lola nya? Pwe!

"Then do it if you can!" sagot ni MM.

"Sana wag niyong pagsisihan ito Rank #1 dahil siguradong di na kayo makakalabas ng buhay dito!" wika ni Gaux. Bakit ba ang dami niyang ganap? Ayaw nya pang gawin kung anong gusto nya.

"Dami niyong satsat! Tapusin na natin ito!" naiinip kong sagot. Sa totoo lang nababagot na ako sa kalokohan nilang ito.

"Ibibigay namin ang gusto nyo Rank #1! Hahahaha" sagot ni Gaux.

Humakbang sila ng tatlong beses kaya napaurong naman kami. Ano bang binabalak nila at may paghakbang pa ng tatlong beses? Ano effect lang yung hakbang? Ganern?

"Ngayon malalaman natin kung sino ang lamang satin ngayon!" wika ni Gaux.

Bilang nagdilim ang buong paligid. Patay-sindi ang mga ilaw na parang nasa isang horror movie. Nagmistulang nakakatakot ang buong ground. Parang nagsitayuan ang mga balahibo namin sa katawan. Sinabayan pa ng natatakot na tawa nila. Halos nabalutan silang anim ng dilim at maitim na usok. Hindi namin sila makita dahil sa usok na nakapalibot sa kanila. Inantay naming mawala ang usok.

"Oh my gosh!" halos sabay sabay na wika nila Fanny ng humupa ang makapal na itim na usok. Bakas sa mukha nila ang pagkabigla. Pero ako hindi na nabigla. Ramdam ko nang ganito ang mangyayari.

"Hahahaha" muli ay nagtawanan na naman silang anim. Ang kaninang si Gaux ay nakasuot na ng itim na kapa at may hawak na itim na pamaypay na may patalim sa bawat dulo nito. Ganon din ang mga kasamahan niyang may hawak na mga kakaibang armas. Kung di ako nagkakamali ay iyon ang kanilang secret weapon. Kung ganon ay mga taga Darkeon City sila at sigurado akong ang hari ng Darkeon City ang nag-utos sa kanila na kalabanin kami!

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon