Chapter 62

3.7K 83 17
                                    

Keira's POV

It's been two weeks since nabawi ko ang katawan ko. Marami ang nangyari sa loob ng dalawang linggo katulad kahapon, nagparamdam na naman ang mga black wizards at ilang building na naman ang nasira. Mabuti na lamang at walang nasaktan. Nakakapanghinayang lamang na kakatapos lamang ayusin yung mga nasirang buildings nung nakaraan tapos ngayon ay nawasak na naman. Peste talaga 'yang mga black wizards na 'yan! Wala nang naidulot na mabuti dito sa Omegus World.

Araw ng huwebes ngayon at nandito kami sa potion class. Hindi naman siya nakakabagot dahil ang dami naming natututunan. Alam kong magagamit namin ang mga potion na pinag-aaralan namin kapag kinailangan.

"Let's call it a day, Goodbye class!" wika ni Sir Rome bago niya lisanin ang aming room.

"Hayy, ganito pala dito sa mundong ito. Kakaibang kakaiba sa mundo natin!" wika ni Miya.

"Kaya nga eh, hindi ko akalaing ganito yung mga pag-aaralan natin. Akala ko di totoo yung mga potions. Hahaha" sabat ni Ella.

"Like duh? Nandito tayo sa hindi pangkaraniwang mundo, malamang hindi rin pangkaraniwan yung mga ginagawa dito. Duh?!" kilala nyo na kung sino 'yan.

"Sabagay tama ka MM, it's been three weeks since napunta tayo dito and until now hindi ko parin maabsorb ang lahat. Parang lahat isang malaking panaginip lang." wika ni Alicia.

"Tama! Parang kamakailan lang nabubuhay tayo ng normal sa mundo natin tapos ngayon lahat biglang nagbago." sagot ni Angel.

"Pero wala akong pinagsisisihan sa lahat ng ito!" wika ni Stacey at nagpakahalumbaba sa arm chair niya.

Wala nga pala yung mga prinsepe at prinsesa dahil ipinatawag sila sa mga kaharian nila kagabi.

Kagabi lang sila umalis pero sobrang namimiss ko na si Keyster ko.

"Teh wag kang mag-emote diyan, babalik din naman next week ang prince charming mo!" eksenang wika ni Layla. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Iyon na nga eh, next week pa sila babalik! Nakakaiyak!


Half day lang ang class namin kapag thursday kaya after ng last subject namin ay umuwi na rin kami pero hindi ako sa dorm namin umuwi kundi sumama ako sa dorm nila Ella. Kasama rin namin si Layla at Tammy.

"Sigurado ba kayong pwede itong gagawin natin ngayon?" kinakabahang tanong ni Alicia.

"Relax ka nga lang Ali, it's girls bonding kaya walang masama dito sa gagawin natin!" sagot ni Ella.

"Wala namang nakalagay sa school at dorm rules na bawal magparty party sa loob ng dorm eh! Hahahaha" wika ni Tammy.

"Why don't you invite the twin sisters?" wika ni Fanny.

"Sino?"

"Si Carley at Audrey!" sagot ni Keana.

"Okay." medyo walang gana kong sagot bago lumabas ng dorm para puntahan yung dorm nung kambal.

Nang makarating ako sa pinto ng dorm nila ay agad akong kumatok. Makalipas ang ilang segundo ay bumukas ang pinto at lumabas si Carley na parang sobrang lungkot. Nagulat pa nga siya nung makita ako.

"B-bakit K-keira?" nauutal niyang tanong. Matagal ko nang napapansin na may kakaiba sa kanya.

"Carley okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"O-oo okay lang ako. Hehe" sagot niya.

"Nagpunta lang ako dito para iinvite kayong dalawa ni Audrey para sa girls bonding, you know, party party and you can't say no!" wika ko sa kanya.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon