Chapter 26

7.1K 203 6
                                    

Alicia's POV

"Oh girls, look who's here!"

Napatigil ako sa paghuhugas ng kamay ko sa lababo ng nagsalita ang isa sa tatlong babae na pumasok dito sa loob ng comfort room.

"Hell-o 'Alicia Acis' ang babaeng impakta! Hahaha" wika ni Sunshine.

Napayuko nalang ako. Sila na namang tatlo. Nakakasawa na silang makita. Palagi ko na nga silang iniiwasan.

"Ano babaeng impakta wala ka man lang bang sasabihin?" sabi ni Jessa. Ang lider ng grupo nilang mahadera.

"Napipi na yata si Alicia girls! Hahaha" pang-aasar ni Joana.

Inangat ko ang ulo ko para tingnan sila. "Ano na naman bang kailangan nyo sakin?" tanong ko sa kanila. Hindi ko magawang magtaas ng boses sa kanila dahil alam kong wala akong laban sa kanilang tatlo.

"Wala naman pero dahil nakita ko yang impakta mong mukha nasira na agad ang araw ko!" wika ni Jessa.

"Wag nyo namang takutin si Alicia girls. Kawawa naman sya." wika ni Sunshine. Plastic!

Lumapit sya sakin at dahan dahang hinimas ang mahaba kong buhok.

"Aray!" makalas kong sabi ng bigla niyang hinila ng malakas ang buhok ko.

"Anong akala mo Alicia magiging mabait ako sayo?! You freak!" sabi nya habang hila hila parin ang buhok ko.

"Girls hawakan nyo si Alicia!" wika ni Jessa at agad naman akong hinawakan ni Sunshine at Joana. Hawak nila akong dalawa sa magkabilang braso ko.

"A-anong gagaw-win n-nyo sa-kin?" nauutal kong sabi dahil natatakot na ako.

Palagi nalang nila akong binubully kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Simula kasi nung nawala yung anak ng may-ari ng school na ito (Cantrell International School) na si Keira Bria Cantrell naging violent na yang tatlo dito. Nagrereyna reynahan na sila dito. Sana bumalik na si Miss Keira.

"Wala naman, sasampalin lang naman kita!" mataray niyang sabi. Nakakatakot ang boses nya.

Dahan dahan siyang naglakad papalapit sakin. Pinipilit ko ring makatakas sa pagkakahawak sakin nila Joana at Sunshine pero masyado silang makalas kaya hindi ako makaalis sa pagkakahawak nila.

*pak!*

"Aray ko!" malakas na sabi ko. Napaiyak nalang ako sa sakit na naramdaman ko. Physically and emotionally.

Isang malakas na sampal ang natanggap ng mukha ko mula sa palad ni Jessa. Tumalsik din ang eye glasses ko sa sahig at nabasag dahil sa lakas ng sampal nya sa mukha ko. Ang hapdi at ang init sa pakiramdam. Sobrang sakit ng sampal na iyon. Pakiramdam ko naiwan pa ang bakas ng palad nya sa pisngi ko.

"Masakit ba Alicia?" sarcastic na tanong ni Jessa. Yumuko nalang ako sa kanya. Ayaw ko nalang lumaban dahil di ko rin naman sila kaya.

"Sumagot ka Alicia!" malakas na sabi nya tapos hinawakan nya ang buhok ko pataas dahilan para umangat ang ulo ko.

"Ano bang kasalanan ko sa inyong tatlo? Palagi nyo nalang akong sinasaktan, binubully. Wala naman akong ginagawang masama sa inyo!" hindi ko na napigilang magtaas ng boses sa kanila. Nanginginig narin ang mga labi ko sa sobrang takot.

"Aba! Sinisigawan mo na kami Alicia huh?! Bakit kaya mo na ba kami? Ha? Ha?!" galit na sabi ni Jessa. Napatawa naman yung dalawa niyang alipores.

Muli nya akong sinampal sa mukha. Sa sobrang lakas ay may nalasahan akong dugo mula sa labi ko.

"Bitawan nyo siya Joana at Sunshine!" wika ni Jessa. Napatigil ako sa paghikbi dahil sa sinabi nya. Mas lalo akong kinabahan sa gusto niyang gawin sakin. Binitawan na rin ako nila Joana at Sunshine. Halos namula na ang mga braso ko sa higpit ng hawak nila sakin.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon