Chapter 66

5.4K 107 42
                                    

MM's POV

It's been three days since the incident happened. Lahat kami naninibago sa pagkawala ni Stacey. Hindi kami sanay na wala yung presensya niya. Mga bata palang kami, kami na ang magkakasama. Hindi lang bestfriend ang turing ko kay Stacey, tinuturing namin siya na parang isang tunay na kapatid. Lahat malungkot sa pagkawala niya lalo na si Keira na madalas tulala at parang wala sa sarili. Parang bigla nalang natahimik ang mundo namin, kahit nga ako na madaldal kung minsan parang nawala bigla yung pagiging maingay ko at naging tahimik nalang din. It's really hard to my part na mawalan ng isang kaibigan at parang kapatid. All of my life kasama ko na si Stacey kahit na may pagka-bully at may pagkamaarte 'yon mahal na mahal namin 'yon.

Aaminin ko na natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa buhay ko, iniisip ko palang na mangyari sakin yung katulad ng nangyari kay Stacey natatakot na talaga ako. Hindi pa ako handang mamatay pero kung 'yon ang magiging kapalaran namin ay wala na talaga kaming magagawa. All we have to do is to take care ourselves, protect each other and the most important thing... protect our guardians. Sa umpisa palang naman alam na namin na ganoon ang kapalaran namin simula nung tinanggap namin yung responsibility na ito pero pakiramdam ko hindi pa ako handa.

Bigla nalang akong napatayo.

"Pwede bang kalimutan nalang natin lahat nang nangyari? Ang hirap nang ganito tayo eh!" sabi ko sa kanila. Nandito kami sa may cafeteria pero parang nilalaro lang namin yung pagkain namin sa plate. Masyadong tahimik ang paligid. Napatingin naman ang lahat ng estudyante samin.

Biglang tumayo rin si Keira. "Alam mo ba 'yang sinasabi mo MM?! Akala mo ba madali lang kalimutan ang lahat?! Akala mo ba madali lang kalimutan si Stacey?! You are damn wrong MM!" galit na sagot sakin ni Keira.

"Yeah, I know! Pero hindi natin dapat ikulong ang sarili natin sa lungkot. Masakit din sa part ko dahil kaibigan at itinuring ko rin siyang parang tunay na kapatid pero kailangan nating kalimutan siya at mag-move on!" napataas na nang tuluyan ang boses ko. Akala niya ba madali sakin ang lahat? Gabi-gabi nalang akong umiiyak tuwing naaalala ko ang lahat!

"Guys please stop! MM is right, we have to forget her. Yes masakit sa part nating lahat pero wala naman na tayong magagawa eh, nangyari na ang lahat kahit hindi natin gusto. Walang mangyayari satin kung patuloy nating ikukulong ang sarili natin sa lungkot!" sabi ni Ella.

"You don't understand me!" sagot ni Keira at bigla nalang umalis. Napaiyak nalang din ako.

"Stoy crying MM, it's not your fault. Everything will be alright, maybe not now, not soon but eventually. Magiging maayos din ang lahat." sabi ni Layla.

"Mahirap din naman sa part ko eh, every night umiiyak ako sa kwarto ko dahil kahit ako hindi ko matanggap na wala na siya pero kailangan nating mag-move on sa pagkawala niya. Walang mangyayari satin kung ikukulong natin ang sarili natin sa lungkot..." at tuluyan na akong napahagulgol.

"She's right lalo na ngayong hindi maganda ang situation natin. May kinakaharap pa tayong malaking problema. Kung titingnan n'yo malapit nang sumapit ang takdang panahon. Malapit nang sumapit ang eclipse. Malapit namang takpan nang tatlong buwan ang malaking araw!" wika ni Becca.

"Naguguluhan na ako... hindi ko na alam ang gagawin. Natatakot ako sa maaaring mangyari!" wika ni Alicia.

"Lahat naman tayo natatakot eh, ang kailangan nating gawin ay magsanay at palakasin ang sarili at kapangyarihan natin nang sa ganon ay matalo natin ang masasama!" sabi ni Ashley.

"Keyster... mabuti pa sundan mo muna si Keira, hindi siya okay. Ikaw lang ang pwedeng makapitan niya." sabi ni Becca. Tumango lang si Keyster at umalis na para sundan si Keira.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon