Chapter 60

4.1K 85 32
                                    

Keira's POV

Naging usap-usapan sa buong campus ang pagkakaroon namin ni Keana ng Legendary Dragon. Unusual, maraming nainggit at marami ring humanga sa lakas na mayroon kaming dalawa ni Keana. Hindi naman namin kasalanan na magkaroon ng ganong kalakas na Guardian Dragon kaya hindi ko sila masisisi na mainggit.

Tanghali na ako nagising kaya late na naman ako. Agad akong tumayo sa kama ko at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform ko at napatingin sa salamin.

"You're so pretty talaga myself!" nakangiting sabi ko habang tinitingnan ang dyosang mukha ko mula sa repleksyon ng salamin.

Nauna nang pumasok sila Layla at Tammy kaya mag-isa lang ako ngayon. Mahigit isang oras na akong late kaya naisipan kong hindi nalang umattend ng first period. Kaya imbis na pumunta ako sa classroom ay dumiretso ako sa cafeteria. Nandito ako ngayon sa cafeteria para kumain ng almusal. Hindi na naman kasi nag-iwan ng pagkain yung dalawa.

Nakapabait ko talagang estudyante. Note, huwag tularan!

"Hi!"

Napaangat ang ulo ko ng may narinig akong nagsalita sa harapan ko. Nakita ko ang isang babae na hindi naman kagandahan. Pwe!

Parang naisipan kong magtaray ngayon. Simula kasi nung pamasok ako dito sa akademyang ito ay parang naging mabait na ako, hindi na ako yung Keira na nagmamaldita at malakas manlait ng kapwa ko.

Tinaasan ko lang siya ng kilay, ewan ko ba parang hindi ko siya feel. Parang may something sa kanya na ayaw ko. Hindi ko lang alam kung ano.

"I'm Mariel, don't be so rude to me. Hehe" sabi niya at inilahad niya pa ang kamay niya sakin para makipag-shake hands. Tiningnan ko lang iyon ng ilang segundo at inisip ng mabuti kung makikipagkaibigan ba ako sa kanya or not hanggang sa napagdesisyunan kong hindi. It's a big no!

"I don't like you. Get lost!" sabi ko sa kanya sabay irap. Bakas naman sa mukha niya ang inis dahil sa sinabi ko.

Tumayo na ako at agad na nilisan ang cafeteria. Nawalan na ako ng gana kumain. Naiwan siya doong nakatayo at mukhang inis na inis sakin.

Hindi pa ako nakakalayo ng higitin niya ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya. What the fvck?!

"Wala pa ni isang taong tinalikuran ako! How dare you?!" galit niyang sabi.

"Excuse me?" sabi ko at dahan dahang tiningnan yung kamay niyang nakahawak sakin. Eww, ang dumi na.

"Wala akong time para makipag-usap sayo. Buti sana kung pretty ka? Get your hands off of me! Kausapin mo nalang ako pag may ganda kanang ihaharap!" sabi ko sabay flip ng maganda kong buhok. Naiwan naman siyang parang natulala sa sinabi ko. Hindi niya yata maabsorb yung sinabi ko, so hindi ko na kasalanan yon dahil panget siya. Pwe!

Hindi naman sa nagmamataray ako at nagmamaganda ako dahil mataray at maganda naman talaga ako pero meron siyang aura na ayaw ko. Unang kita ko palang sa kanya may kakaiba sa kanya. I can't explain it basta I don't like her.

"Wag kang lalapit sa kanya Keira." nagulat ako at napatigil sa paglalakad nang biglang nagsalita si Becca. Saan ba galing ito at bigla bigla nalang sumusulpot?! Ginugulat niya ang magandang si Ako eh!

"Sino ba?" I asked. Naiinis ako sa di ko alam na dahilan kung bakit!

"Si Mariel, I saw you with her. Basta wag kang lalapit sa kanya. She is dangerous!" sabi ni Becca. Nagditch din siguro ng klase ang bruhang ito kaya pakalat kalat dito. Bigla bigla nalang sumusulpot!

"I don't like her, in thr first place." walang ganang sagot ko sa kanya. "What's with her?" tanong ko. Medyo nacurious ako sa sinabi niyang dangerous. Ano bang meron sa babaeng iyon at sinasabi niyang dangerous? Mapapatay niya ba ako?

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon