Chapter 64

3.9K 92 33
                                    

Keira's POV

"Okay class, today ay pupunta tayo sa Fairy Garden para hanapin nyo ang fairy na nararapat sa inyo. Some of you ay may fairy na kaya ang mga pupunta lang sa loob ng fairy garden ay ang mga wala pa. Understood?!" sabi ng Prof namin. Bigla namang naghiyawan yung mga classmates namin wala pang fairy including the Chosen 8.

"Eh paano po kaming may mga fairy na? Stay lang po dito sa room?" tanong ni Hared. Mukhang nababagot na naman ang isang ito.

"It's up to you, pwede namang lumabas kayo ng room at magpractice ng magics nyo sa field or anything na gusto niyong gawin basta dito lang sa loob ng Academy. Alam nyo namang bawal lumabas lalo na ngayon dahil mapanganib. Hindi natin alam kung nasa tabi tabi lang ang mga kalaban." sagot ng Prof.

"Iyon naman pala, pwede pala tayong gumala. I think I want to go to the salon, kailangan kong magrefresh. Want mo sumama Maika?" wika ni Ashley.

"Sige, mukhang kailangan ko na ring magpa-manicure at pedicure." sagot ni Maika. Buti pa sila. Well, sabagay di ko na naman kailangan pumunta ng salon para magpaganda. I'm already pretty! Pwe.

"My ghadd! Magkakaroon na tayo ng fairy! I can't wait. Ano kayang itsura nya? Is she pretty like me? Ughh!" sabi ni Ella.

"Like duh Ella? Syempre maganda rin 'yon katulad natin." sagot ni MM.

"You know what? Mas maganda ako sa inyo." sabat ni Stacey. Napairap naman sila Miya, Fanny at Angel.

"Tumigil na kayo, alam naman nating lahat na ako ang pinakamaganda dito!" wika ko sabay flip ng hair. Dalagang Filipina, yeah!

"Okay." MM.
"Okay." Ella.
"Sabi mo eh." Stacey.
"Ge." Miya.
"Okay po." Angel.
"Sige na." Fanny.
"Sana masaya ka." Layla.
"Tara na." Alicia.

At iniwan na nila ako. Sunod sunod pa silang umalis. Mga walang hiya! Kaibigan ko ba talaga ang mga 'yon? Napakawalang kwenta nilang kaibigan.

"Huwag kang mag-alala. Alam kong ikaw ang pinakamaganda sa lahat!" wika niya na ikinapula ng mukha ko. Ughhh! Kainis ka talaga kahit kailan.

"Tara na sa labas? Lumabas na silang lahat, tayong dalawa nalang nandito." sabi niya pa at napatingin ako sa buong room namin, wala na nga sila at tanging kaming dalawa nalang nga ang natira.

"Ahh, sige..." sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng room.

"Uhmm, Keyster? Hindi ka ba sasama kila Ashley?" tanong ko sa kanya.

"Pupunta akong field para magpractice, ihahatid muna kita hanggang sa labas ng fairy garden." sagot ni Keyster.

So iyon nga, hinatid nga ako ni Keyster hanggang sa fairy garden.


"Kiara, ang cute mo talaga!" gigil ko sabi habang pinagmamasdan kong mabuti ang aking napaka-cute na fairy.

"Ikaw naman Master Keira napakaganda!" sagot ni Kiara.

"Ayy, maliit na bagay. Hahahaha. Pero kamukhang kamukha mo talaga si Kalia!" wika ko.

"Syempre naman Master, magkakambal kami eh parang kayo lang ni Master Keana!" sagot niya. Yeah, yung fairy ko at fairy ni Keana ay magkambal din katulad namin. Pahero silang sobrang cute na parang ang sarap kurut-kurutin ang pisngi.

"Oh sige na, magpahinga kana. Hindi kayo pwede sumama samin sa mission namin ngayon dahil masyadong delikado." sagot ko sa kanya.

"Alam ko Master Keira, mag-iingat po kayo. Hayaan niyong lagyan ko kayo ng pixie dust ko para mas maging malakas kayo!" wika ni Kiara pagkatapos ay lumipad siya paikot sakin at binagsakan ako ng nagliliwanag niyang pixie dust. After niya akong lagyan ng pixie dust ay parang mas maging maganda ang pakiramdam ko. Feeling ko mas nadagdagan yung energy ko.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon