Chapter 54

5K 116 24
                                    

Keana's POV

"I'm Adam..."

Adam? Tama! Siya yung ex-boyfriend ni Stacey! Pero ang sabi ni Stacey umalis ang ex niya at nagpakasal sa iba? How come na nandidito siya sa Darkeon City?

"Adam huh? The so called ex-boyfriend ni Stacey!" sagot ko sa kanya. "How come na nandidito ka?" dagdag na tanong ko pa.

"It's none of your business!" walang kwenta niyang sagot.

"Ano kayang mararamdaman ng isang Chosen of Air once na malaman niyang isang dark sorcerer ang ex-boyfriend niya? I can't imagine..." sagot ko sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla.

"Anong sinabi mo?" takhang tanong niya.

"Hindi mo ba narinig? Pasensya na pero hindi ko na uulitin!" sagot ko sa kanya.

"Si Stacey? Chosen of Air? Huh?!" parang nanlulumo niyang sagot.

"Hindi ka ba makapaniwala?" tanong ko.

"This can't be happening..." mahinang sagot niya.

"Now I know! Alam ko na kung bakit ka nakipaghiwalay sa kanya. Nakipag-break ka dahil isa kang Dark Sorcerer kasi ayaw mo siyang mapahamak hindi ba? But the life is so unfair, that day you broke her heart is also the day na naging Chosen of Air siya. Tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para sa inyong dalawa kaso nga lang isa kang dark sorcerer at isa siyang mabuting charmer... life is really unfair." mahabang wika ko sa kanya.

"Shut up!" malakas na sigaw niya. "Wala kang alam kaya tumahimik ka!" bakas sa tono ng boses niya ang galit.

"Magdiwang na kayo dahil nakuha niyo ako pero wag kayong makampante dahil hindi rin magtatagal ay makakaalis na ako dito!" wika ko sa kanya.

"Wag kanang umasang mababawi ka nila dahil ngayon palang kamumuhian mo na sila!" sabi niya at biglang may itim na usok akong nalanghap kasabay ng unti unting paglabo ng mga mata ko and everything went black.


Layla's POV

Ano ba naman 'yan? Kanina pa ako katok ng katok pero hindi man lang siya nagigising para pagbuksan ako ng pinto. Tulog mantika parin talaga si Keira! Sa totoo lang nalulungkot parin ako sa nangyari kasi naging kaibigan ko na rin si Keana, paano pa kaya yung nararamdaman ni Keira? Eh kakambal nya 'yon kaya mas masakit sa part niya!

Pinihit ko ang doorknob at bukas pala ito! Anak ng! Kanina pa ako katok ng katok bukas naman pala ito!

Tutal bukas naman kaya pumasok na ako pero...

"Hiyyyyyyyaaaaah!" malakas na sigaw ko.

Agad na pumunta si Tammy sa kwarto ni Keira.

"Anong nangyari?! Bakit ka ba sumisigaw?!" hingal na sabi ni Tammy ng makapasok siya sa kwarto ni Keira.

"Si Keira..." kinakabahang wika ko.

"Nasan si Keira?!" tanong niya dahil wala kaming Keira na makita sa kwarto niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Tammy, hindi kaya umalis siya papunta sa Darkeon City?!

Holy shit! Kailangan malaman to ni Mister Crossrey!


Keira's POV

Hindi ako makatulog dahil sa mga bumabagabag saking isipan. Hindi dapat ako nakahiga lang dito, wala akong karapatang magpahinga dahil nasa kapahamakan ang kakambal ko!

Tahimik akong tumayo at naghanda. Maingat kong ginawa ang lahat ng walang anumang tunog dahil baka magising sila Tammy at Layla. Hindi ako dumaan sa lobby dahil baka may makakita sakin kaya sa bintana ako dumaan. Hindi nila maaaring malaman na umalis ako ng mag-isa. Gusto ko ako lang ang mag-isang umalis dahil ayaw kong may mapahamak pa sa kanila, masyadong mahal ko lang ang mga kaibigan ko kaya ayaw ko silang mapahamak din.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon