Chapter 63

3.2K 75 19
                                    

Keira's POV

Isang linggo na ang nakalipas at mabuti dahil hindi na muli nagpaparamdam ang mga black wizards and sorcerers. Hindi ko alam kung anong binabalak nila pero alam kong gumagawa na sila ng plano para kalabanin kami kaya araw-araw kaming nagpa-practice ng combat para sa nalalapit na digmaan. Alam kong ganon din ang mga kalaban kaya pinag-iigihan naming mabuti ang pag-eensayo.

Isang linggo narin simula nung nalaman namin ang kinikimkim ni Carley. Gumawa na kami ng plano kung paano namin mababawi sila Audrey at ang mga magulang nila at iniintay nalang namin ang mga prinsepe at prinsesang bumalik para magawa ang plano. Alam na nila ang tungkol sa problema ni Carley dahil nagpadala ako ng liham sa kanila patungkol doon.

Nandito kami ngayon sa may school garden dahil walang klase. Yung ibang estudyante ay nagpa-practice sa field. Kakatapos lang din namin magpractice kanina kaya nagpapahinga kami dito sa garden.

"You know what guys, nami-miss ko nang kumain ng pizza. I really don't know na hindi pala uso ang pizza sa mundong ito. I'm craving, you know?" sabi ni Stacey.

"Kaya nga eh, gusto ko rin ng fries ng McDo. Nagsasawa na ako sa pagkain sa cafeteria. Puro nalang cakes at meats. Nakakaumay." sagot ni Angel.

"Somehow, nami-miss ko rin yung mortal world. Kumusta na kaya sila mommy and daddy? Sigurado akong nag-aalala na sila dahil hindi tayo nagpaalam nung umalis tayo sa mortal world." wika ni Fanny.

"Hayaan nyo na, kahit paano naman ay may burger dito kaya iyon nalang ang kainin natin. Next time isa-suggest ko sa chef ng cafeteria na gumawa ng pizza at fries." sabi ni Layla.

"Carley... tulala kana naman." wika ko nang makita ko si Carley na tulala na naman. Madalas siyang ganyan. Mukhang malalim na naman ang iniisip nya.

"Hindi ko mapigilang hindi isipin sila Audrey, Mom and Dad. Nag-aalala parin ako sa kanila." sagot ni Carley at napabuntong hininga.

"Huwag mo kasing masyadong pagkaisipin, everything will be alright, not now but soon. Okay?" sagot ko. Tumango naman siya kahit malungkot ang mukha. Muli ay napabuntong hininga na naman siya. Hayys, naaawa na ako sa babaeng ito.

Naaawa na ako kay Carley dahil masyado na siyang nade-depress sa mga nangyayari sa family nila. Araw-araw siyang malungkot at parang wala sa sarili. Minsan nababalitaan kong hindi pala siya pumapasok sa klase niya. Sobrang affected talaga siya sa pagkawala ng kakambal niya. Akala nga namin ay nailabas na niya lahat ng sama ng loob at hinanakit niya noong nag-girl's party kami pero hindi pa pala. Hindi naman namin siya masisisi dahil hindi kami ang nasa kalagayan niya pero at least we are always here to comfort her. Kami-kami na nga lang ang magkakaibigan kaya kami-kami nalang din ang magtutulungan.

"Hello guys!"

Napalingon kaming lahat ng marinig namin ang nakakairitang boses ni Hared.

"Keira, nand'yan na ang prinsepe mo! Yiiie!" sabi ni Tammy sabay turo kay Keyster na nakangiting papalapit samin.

"Nand'yan narin ang Tuffer mo!" pambabara ko sa kanya kaya napatahimik rin siya. Kala mo Tammy huh? Alam ko 'yang galaw ng mga bituka, balun-balunan, bato, apendix, lungs at atay mo!

"Wahhh! Na-miss namin kayo!" sabi ni Leyoh.

"Hindi namin kayo na-miss!" sabat ni Layla kaya napasimangot si Leyoh. "Charr lang, syempre naman na-miss namin kayong lahat. Ang tagal nyo ring nawala ah? Isang linggo." dagdag pa ni Layla kaya napangiti si Leyoh. Sus, alam ko rin 'yang galawan nyo Layla. Tigilan nyo ako!

"Kumusta naman kayo lalo na ikaw?" tanong ni Keyster kaya napatili yung mga mahaharot at malalandi kong kaibigan.

"Ayos lang naman, kayo? Kumusta yung inasikaso nyo sa mga palasyo nyo?" tanong ko sa kanila.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon