Chapter 27

6.8K 176 2
                                    

Ella's POV

"Ayoko na! Sorry, I have to go!" sabi ko kila MM and Stacey. Nandidito kasi kami sa loob ng Bar na pag-aari ng pamilya namin. Chill lang kami Bes.

"Why so aga naman?" tanong sakin ni MM. Wala ako sa mood na magpaliwanag sa kanya. Inirapan ko lang sya tsaka ko kinuha ang bag kong Louis Vuitton at lumabas na ng bar. Iniwan ko na silang dalawa 'don. Bahala sila!

Pakiramdam ko kasi may mali or I mean parang may hindi magandang mangyayari tonight.

Agad kong binuksan ang kotse kong Ferrari 250 GTO. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Mabuti pang umuwi na ako ng bahay to make myself safe. Binuksan ko na ang makina at agad na pinaandar ang car ko.


MM's POV

"Bakit kaya ang aga nya umuwi ngayon?" takhang tanong ni Stacey.

Di ko nga alam kung bakit ang aga niyang umuwi ngayon eh. Dati rati naman sya pa yung huling umuuwi saming apat nila Keira. Pero kanina parang hindi mapakali si Ella. I think someone's bothering her. Speaking of Keira, until now waley parin kaming balita kung saang lupalop ng mundo sya naroroon. Bigla nalang nawala na parang bula kasama sila Becca, Layla at yung kambal.

Nagkibit balikat lang ako tsaka ko ininom yung isang shot ng tequila. Napangiwi ako sa tapang ng lasa ng tequila na 'yon kaya agad akong sumipsip ng isang slice ng lemon. Duh!

"You know Stacey, I think someone's bothering Ella. Di mo ba napapansin kanina sa kanya? She's uncomfortable. Parang may mali sa kanya kanina!" sabi ko sa Stacey.

"Wag ka ngang OA MM, baka naman masama lang ang pakiramdam kaya ganun!" sagot sakin ni Stacey.

"Masama ang pakiramdam pero nagyayang uminom? Ano sya broken hearted?! Like duh?!" sarcastic kong sagot kay Stacey.

"Hayaan mo nalang sya, baka stress lang. You know her, madami na siyang inaasikaso ngayon lalo na't start na nang training nya sa pagha-handle ng company nila." sagot ni Stacey sakin. Sabagay, baka nga stress lang sya kaya ganun. Nakaka-stress kaya ang magtraining ng pagha-handle ng company. Kaya ako iniiwasan ko si Daddy eh. Hayy!

Bigla akong may naramdamang nag-vibrate sa tabi ko hanggang sa nakita ko ang isang iPhone 12 Pro Max na phone. Phone ni Ella ito ah? Bakit naiwan nya? She so careless these past few days.

"Bes! Yung phone ni Ella naiwan nya!" sabi ko kay Stacey then ininom ko yung last shot ng tequila.

"Hayaan mo na. Itago mo nalang tapos bukas mo nalang ibigay sa kanya." sagot ni Stacey sakin.

Ano kayang nangyayari kay Ella? Nakakapagtaka lang. Hayys, bakit ko ba pinoproblema yun? Nakaka-stress tuloy ang ganda ko. Like duh?!


Ella's POV

Panay lang ako sa pagda-drive until may napansin akong isang itim na kotseng sumusunod sakin. I'm not really sure kung sinusundan nya nga ako. So iniliko ko ang kotse ko sa isang kanto.

Confirmed!

Tama nga ako, sinusundan ako nung itim na kotse dahil lumiko rin sya sa nilikuan ko. Sabi na eh, kaya pala may hindi ako magandang pakiramdam. I think someone wants to kill me!

Shit! I'm not prepared! Hindi ko rin dala ang katana ko. Wala rin akong dalang baril. Paano ako makakalaban nito sa kanila?

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko. Hindi ko rin alam kung saan itong dinadaanan ko. Madilim at halos wala nang sasakyan na dumadaan dito sa kalsada. Tanging sasakyan ko lang at yung itim na saksakyan ang nandito. Sa totoo lang ay natatakot na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon