Chapter 21

9.3K 223 9
                                    

Keira's POV

Alas tres na ng hapon ng magsimula kaming umakyat sa Blue Mountain. Pagkatapos kasi namin kumain ay nagpahinga lang kami ng kaunti kasi mga busog na busog pa raw sila. Hindi raw nila kayang umakyat ng bundok ng busog na busog! Sa dami ba naman ng kinain nila lalo na si Hared. Kung makakain kanina akala mo hindi prinsipe. Jusko!

Halos isang oras na ang nakalipas kaya heto kami ngayon, nagpapahinga sa may tabi ng malaking bato. Nakakapagod naman talaga ang umakyat ng bundok tsaka kanina pa kasi nagrereklamo ang maarte na si Ashley na masakit na raw ang paa nya. Sino ba naman kasi ang t*ngang aakyat ng bundok na magsusuot ng sapatos na may takong? Malamang siya lang. Napaka-dipungal nya! Puro pagpapaganda lang ang alam!

"Ouch! Ang sakit na talaga!" maarteng sabi ni Ashley habang mina-massage yung paa nya. Kanina pa 'yang ganyan. Ungot ng ungot na masakit ang paa nya.

"Kasalanan mo rin 'yan Ash, ba't ka kasi nagsuot ng sapatos na may takong? Alam mo namang hiking ang gagawin natin hindi modeling!" wika ni Maika.

"Oo na nga! Ano pa ba? Ang sakit talaga!" sagot ni Ashley.

Naririndi na ako sa boses nya. Sa buong pag-akyat namin ng bundok siya lang yung bukod tanging maingay at panay ang reklamo. Kesyo ganto, kesyo ganyan! Tinis tinis pa ng boses. Nakakarindi na! Pwe!

Kinuha ko yung bag ko at hinanap yung dinala kong Gucci Slides Slippers. Buti nalang may dala ako laging tsinelas.

"Iyan, isuot mo 'yan! Napaka-arte kasi." mataray kong sabi sa kanya matapos kong ibagsak sa harapan nya yung pares ng tsinelas. Tiningnan lang nya yung tsinelas kaya napakunot ang noo ko.

"Ano? Mag-iinarte pa?" mataray kong tanong sa kanya. Excuse me? Gucci Slides Slippers na 'yan! Aarte ka pa ba?! Wala yata siyang balak isuot eh! "Kung ayaw mo, kukuhanin ko na!" sabi ko at akmang kukuhanin na yung tsinelas.

"Hindi, isusuot ko!" wika nya at kinuha yung tsinelas. Akala ko mag-iinarte pa eh!


Ashley's POV

"Salamat!" tipid kong sagot kay Keira matapos kong kuhanin yung slipper na ipinahiram nya. Aarte pa ba ako e ang sakit sakit na nga ng paa ko?! Baka kapag ipinagpatuloy ko pa ang pagsuot nitong may takong ay magkapaltos pa ang maganda, mabango at makinis kong paa. Gusto mo amuyin? Leche!

Jusko naman mga teh! Kung mataray ako mas mataray pala sya. Di tuloy ako makatingin ng straight sa kanya. Akala ko ako na ang pinakamataray sa lahat pero may kakabog pa pala sakin. Oh sya kanya na itong korona ko!

Kaya lang naman ako nagsuot ng sapatos na may takong kasi hindi ko makita yung rubber shoes ko kanina. May nagtago yata! May sumasabotahe yata sakin. Leche! Humanda sakin yang ka-dormmate ko. Siya lang naman ang pwedeng magtago 'non dahil kami lang dalawa ang tao sa loob ng dorm. Hello? Bakit ko naman sasadyain na magsuot ng sapatos na may takong? No choice lang ako kanina!

Pero in fairness, may kabaitang taglay din 'yang si Keira. Sige na mas maganda na sya sakin. Lamang lang sya ng isang paligo. Thanks to her and to her slipper, mas okay na 'to kesa sa waley! Tiis tiis lang mga Bes!

"Ano okay na? Pwede na nating ipagpatuloy ang pag-akyat?" tanong ni Leyoh.

"Sige okay na ko!" mataray kong sagot tsaka tumayo. Much better ngang suotin itong tsinelas. Mas presko pa sa paa ko.

"Kailangan nating magmadali. Kahit isa lang ang makuha natin ngayon sa dalawang kulang na ingredients ay okay lang. Bukas na ng umaga ang isa." wika ni Becca.

"Alin ba ang mas malapit? I mean yung Zaramin Falls ba kung saan natin makukuha yung crystal water or yung Blue Mountain Flower?" tanong ni Keira. Sabagay wala silang idea kung anong pasikot sikot dito kasi galing silang mortal world ni Layla.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon