Chapter 53

6.2K 130 35
                                    

Keira's POV

"I lo—"

*Booogsh!*
*Booogsh!*
*Booogsh!*

Naputol bigla ang sasabihin ni Keyster ng biglang yumanig at nagkaroon ng sunud-sunod na pagsabog. Bigla kaming nagkatinginang dalawa na parang pareho ang iniisip namin.

Anong bang nangyayari?! Dahil don sa pagsabog ay hindi naging maganda ang pakiramdam ko. Parang kinabahan ako bigla!

Agad kaming napatakbo ni Keyster para alamin kung anong nangyayari sa baba. Sa sobrang bilis namin pareho ay hindi na namin namalayang nakalabas na kami ng dorm. Halos lahat ng nakakasalubong namin ay tumatakbo at sumisigaw.

"Oh my gosh! Bilisan mo!"
"This can't be happening!"
"Bakit ngayon pa?!"

Napuno ng sigawan ang buong akademya. Agad naming tinungo ni Keyster ang pinanggagalingan ng pagsabog.

"Maika, anong nangyayari?!" tanong ko ng makita ko si Maika kasama si Ashley. May dala silang armas, mukhang tama nga ang hinala ko.

"Dark Sorcerers! Nandidito sila sa akademya!" sagot ni Maika. Bakas sa mukha niya ang pangamba dahil sa nangyayari ngayon.

"May mga nagsummon din ng mga halimaw. Sinisira nila ang ibang buildings!" sabi naman ni Ashley.

"What?! How could it be possible? Malakas ang barrier na nakapalibot dito sa akademya!" galit na sabi ni Keyster. Yeah, 'yon din ang alam ko kaya hindi basta basta mapapasok ng mga Dark Sorcerers ang loob ng Akademya!

"I dunno! Hindi ko alam!" sagot ni Maika.

"Guys?! Are you okay?" wika ni Becca nang makarating sila samin. Si Becca, Hared, Tuffer at Tammy lang ang dumating. Nasaan na ang iba? Katulad nila Maika ay may hawak din silang sandata. Mukhang nakikipaglaban na rin sila kanina.

"Yes we're okay, nasaan ang iba?!" sagot ko. Hindi nila kasama sila Layla.

"Nandoon sila sa field at kinakalaban ang mga dark sorcerers!" sagot ni Tammy. What the hell? Pati sila Ella ay nandoon? Masama ito! Alam kong kaya nilang makipaglaban at magaling sila doon pero hindi ordinaryong tao ang kalaban namin. They are dark sorcerers for pete sake! Hindi pa nila kayang kontrolin ng mabuti ang kapangyarihan nila!

Agad akong napatakbo papuntang field. Kailangan ko silang tulungan. Si Keana! Kailangan kong makita si Keana! Pakiramdam ko may masamang mangyayari sa kanya.

"Keira sandali! Hintayin mo kami!" rinig kong sigaw ni Becca pero hindi ko na sila nilingon pa dahil alam kong sinusundan na nila ako.

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa narating ko ang field. Nakita ko ang mga halimaw na sinisira ang mga buildings ng akademya. Pinipigilan naman ito nila Layla at Leyoh. Nakita ko naman sila Ella, MM, Stacey, Miya, Fanny, Angel, Mister Crossrey at iba pang mga estudyante na nakikipaglaban sa mga naka-itim na kapa. Mga dark sorcerers! Holy shit! Where's Keana?!

Agad kong hinubad ang bracelet ko at ginawa itong espada.

"Keira ilag!" sigaw ni Keyster kaya napailag ako. May isang dark sorcerer na umatake sakin. Agad ko naman siyang sinaksak ng espada ko pagkatapos ay biglang naglaho na parang itim na usok lang.

"Be careful okay? Ako ang natatakot para sayo!" wika ni Keyster. Tumango lang ako bilang sagot. Nakita ko rin sila Becca na nakikipaglaban na sa mga Dark Sorcerers.

Hindi ko inaasahan na ganito kaaga ang pagsugod nila. Ano bang gusto o kailangan nila at napasugod sila ng biglaan?

Patuloy lang ako sa pakikipaglaban ganoon din ang iba pa. Ginagamit ko na rin ang kapangyarihan ko para mas mapadali kong patayin ang mga kalaban.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon