Chapter 20

10.3K 246 22
                                    

Keira's POV

Naglalakad na kami pabalik sa dormitory namin. Kakagaling lang kasi namin sa faculty dahil kinuha namin yung gatepass para makalabas kami ng Magicus Academy. Ngayon pabalik na kami sa dorm para kumuha ng ilang gamit dahil baka bukas pa kami makabalik galing Blue Mountain. Di'ba nga kailangan namin ng ingredients para sa healing potion? Eh sa Blue Mountain lang matatagpuan yung Crystal Water dahil nasa Zaramin Falls sya at yung Blue Mountain Flower.

Nang makarating kami ay agad na kaming nag-ayos ng gamit na dadalhin namin. Kailangan din kasi naming magmadali dahil medyo may kalayuan yung Blue Mountain. Sa isang araw na kasi ang pasahan ng Healing Potion kaya kailangan naming mahanap agad ang mga kulang na ingredients para pag-uwi namin bukas ay masimulan na naming lutuin sa laboratory room ang Healing Potion.

Gusto nga sumama ni Tammy kaso bawal naman. Naiinggit daw sya kasi makakalabas kami ng Akademya tsaka mukhang adventure raw yung pagpunta namin sa Blue Mountain.

Nakaalis na rin yung iba pa naming kaklase papunta sa Blue Mountain para kumuha rin ng ingredients para sa healing potion.


"Oh kumpleto na ba tayo?" tanong ni Becca samin. Nandidito kami sa harapan ng mataas na gate ng Academy. Inaantay lang namin kung may kulang pa ba saming siyam. Ala una na rin ng hapon kaya medyo tirik narin ang araw.

"Hindi pa, wala pa si Ashley." wika ni Maika.

"Hay, nagpapaganda pa siguro iyon!" sagot ni Becca at bumuntong hininga.

May natanaw kaming naglalakad papalapit samin. Mukhang si Ashley na ito.

"Oh guys, sorry I'm late. You know nag-ayos pa ako sa sarili ko kaya medyo natagalan." sabi ni Ashley sabay flip ng mahabang hair nya.

"Dami pa kasing arte, kala mo naman may igaganda pa!" pang-aasar ni Leyoh.

Binatukan nya si Leyoh. "Manahimik ka ngang leche ka. Hindi ko hinihingi ang opinion mo!" mataray na sagot ni Ashley kay Leyoh. She rolled her eyes. May attitude rin ang isang ito.

"Oh since kumpleto na tayo, tara nang umalis para maaga tayong makarating sa Blue Mountain." wika ni Becca.

Ipinakita namin ang gatepass na ibinigay samin ni Sir Rome kanina sa mga guard tsaka kami pinalabas.

Tahimik lang kaming naglalakad. Si Maika at Ashley nagkukwentuhan. Si Tuffer naman ayon tahimik lang. Medyo mahiyain daw kasi 'yan sabi ni Becca. Ito namang si Becca at Hared PDA. Ang lalandi! Si Leyoh at Layla naman ang magkasabay. Si Keyster? Ayon mag isang naglalakad sa unahan at tahimik lang.

"Nasaan ba yung Blue Mountain?" tanong ko habang naglalakad kami. Wala akong ideya kung saan matatapagpuan yung Blue Mountain.

"Sa dulo ng Listheria City, medyo may kalayuan nga lang." sagot ni Becca.

"Pwede bang sumakay nalang tayo doon sa pegasus? Malayo pala yung Blue Mountain eh" wika ni Layla. Sya nga, bakit hindi nalang kami sumakay para mas maaga kaming nmakarating 'don sa Blue Mountain?

"Hindi natin kasama ang mga faries namin kaya walang tatawag ng pegasus. Kung gusto nyo sa dragon na lang tayo sumakay!" suggestion ni Becca. Pwede rin naman.

"Paano 'yon wala pa naman kaming Dragon?" nag-aalalang tanong ni Layla.

"Kung gusto mo sakin ka nalang sumabay?" wika ni Leyoh kay Layla sabay kindat. Bigla naman akong hinampas ni Layla. Kinikilig na naman ang tanlande!

"S-ige ba. Hehe" medyo nauutal na sagot ni Layla kay Leyoh. Kunyare pa ito, gustong gusto naman nya sumabay kay Leyoh.

"Eh paano si Keira? Saan sya sasakay?" tanong ni Layla sa kanila. Oo nga, paano naman ako?

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon