Hared's POV
Nandidito kaming tatlo nila Par Leyoh at Par Tuffer sa loob ng tent namin. 'Par' ang tawagan naming magkakaibigang lalaki. Nakahiga lang kami habang nagkukwentuhan, wala kasi kaming magawa.
Yung mga girls naman nandun din sa loob ng tent nila. Hindi ko lang alam kung anong pinagkukwentuhan ng mga 'yon. You know girls, maiingay at masikreto yang mga 'yan! Hahaha
"Bakit kaya ang tagal nila?" wika ni Par Leyoh. Kanina pa kasi namin inaantay sila Boss at Keira. Kukuha lang naman sila ng kahoy pero halos isang oras na ang nakakalipas nung umalis sila pero hindi pa sila nakakabalik hanggang ngayon. Mahirap ba maghanap ng kahoy? Hahaha.
Napangiti ako sa sumagi sa isip ko. Hahaha. Si Boss talaga oh oh!
"Dumada-moves na talaga si Boss! Hahaha" sabat ko sabay tawa.
"Hahaha. Loko ka talaga Par! Yari kana naman kay Boss kung nandidito 'yon" natatawang sabi ni Leyoh. Paniguradong may batok na naman ako 'don kay Boss o di kaya ay hahabulin ako ng fireball nya. Brutal din 'yon minsan si Boss.
Alam nyo bang simula ng dumating yang si Keira parang nag-iba na si Boss? Minsan napapansin na lang namin na ngumingiti bigla. Iniisip ko nga minsan napapraning na 'yon. Lakas siguro ng tama 'non kay Keira. Sabagay ano pa bang hahanapin nya kay Keira? Maganda na, malakas pa. Wag kayo, si Becca parin ang nag-iisang babae sa puso ko. Hahaha. Corny!
"Sus, wag ako Par. Alam natin ang totoo dito!" wika ko na ikinakunot ng noo ni Leyoh. Tumayo pa ito mula sa pagkakahiga nya.
"Ano na namang sinasabi mo d'yan?" tanong sakin ni Leyoh.
"Sus! Par! Isa ka ring hokage! Alam nating tatlo dito ang totoo diba Boy Tahimik?" wika ko at tumingin kay Tuffer. Ngumisi lang ito samin ni Leyoh. Boy Tahimik ang tawag ko sa kanya. Bihira kasi yang magsalita. Akala ko nga nung una ay pipi 'yan eh! Hahaha. Tahimik lang pala talaga.
"Hokage ka d'yan, wala kong alam d'yan sa sinasabi mo Par. Inosente ako! Hahaha" sagot samin ni Leyoh sabay tawa. Loko din talaga ang isang ito.
"Kahit? Wag kami Par. Kilala kana namin simula bata pa. Hahaha. Hinohokage mo rin si Layla eh" natatawang sagot ko kay Leyoh.
"Par wag ka ngang maingay. Baka marinig ka ng mga girls, nandyan lang sila sa kabila." wika ni Leyoh.
"Hayaan mo na. Hahaha. Alam naman din nila. Halata ka kasi masyado Par!" wika ko. Napakamot lang ito sa ulo nya.
"Maiba nga tayo. Ikaw Boy Tahimik, kamusta lovelife mo?" tanong ko kay Tuffer.
"H-uh? Wala kong ganon." sagot nya samin.
"Alam mo Par, sayang ang gandang lalaki mo eh. Try mo ring mang hokage minsan. Hahaha" sabi ni Leyoh.
"Wala kong panahon sa mga ganyan. Gagaya nyo pa ko sa kalokohan nyo." sagot nya sakin na ikinatawa namin pareho ni Leyoh.
"Naks, humahaba na ang sinasabi mo Boy Tahimik ah? Dati tatlo hanggang apat lang na salita ang nasasabi mo. Lumevel up ka rin ah! Hahaha" sabi ko sa kanya. Diba nga bihirang magsalita 'yang si Tuffer.
Nagtawanan lang kaming tatlo ng bigla kaming may naramdamang malakas na pwersa ng hangin.
"Tulong..."
"Narinig nyo 'yon?" wika ni Leyoh.
"Teka kay Boss na boses 'yon ah?" sabi ko. Ano kayang nangyari?
Bigla nalang kaming napatayo bigla at tatakbong lumabas ng tent. Pagkalabas namin ay nakita ko si Boss na buhat buhat si Keira na walang malay. Ano bang nangyari?
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster
FantasyShe is powerful. She is no ordinary. And most of all, she is a gangster. Meet Keira Bria Cantrell, isang babaeng palaban at walang inuurungan. Simula bata palang siya ay alam na niyang may kakaiba sa pagkatao niya pero nagbago ang kanyang buhay magm...