Keira's POV
Katulad ng plano namin ni Keyster ay nagpaalam kami kay Keana na iiwan muna namin siya para pumunta kami sa bayan. Wala naman daw problema sa kanya. Okay na naman ang pakiramdam nya at unti unti nang nakakabawi mula sa panghihina niya. Bago kami umalis ni Keyster ay nilagyan niya ng matibay na barrier ang bahay na aming tinutuluyan para makasigurado kaming ligtas si Keana.
"Let's go?" yaya ni Keyster sakin. Nandidito na kami sa labas ng bahay niya. Tumango lang ako bilang sagot. Hanggang ngayon kasi ay medyo naiilang parin ako dahil sa nangyari kanina saming dalawa. Hirap kayang maka-get over! Try n'yo!
Tahimik lang kaming naglalakad palabas ng village. Nakasalubong pa namin ang ilang mga nakatira at mga bata na naglalaro dito sa village at lahat sila ay nagbibigay galang kay Keyster. Well, he's the Fire Prince after all kaya hindi na ako nagtaka and me? I'm just nobody! Charot! Alam kong isa akong prinsesa pati si Keana dahil kami ay anak ni Queen Cristina at King Deyniel. Hindi pa namin napapaalam sa kanila ang totoo. Dapat siguro ay bumisita na kami sa palasyo. Sila ang tunay naming mga magulang kaya nararapat lang na makasama na namin sila.
Hindi naman kalayuan ang bayan na pupuntahan namin kaya naglakad lang kami hanggang sa makarating na kami sa bayan.
"Saan ba tayo pupunta?" putol ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Maghahanap tayo ng maaaring mabili na mapapakinabangan natin." sagot ni Keyster. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya kaya mas pinili ko nalang na hindi sumagot.
Dito sa bayan ay parang divisoria. Nagkalat sa paligid ang mga tao pati ang mga paninda nila. Nagtingin tingin ako ng ilan pero wala naman akong nagustuhan. Magaganda naman sila lalo na yung mga handy crafts kaso hindi ko type tsaka wala naman akong paggagamitan. Isa pa wala din akong dalang Lau (lawo — tawag sa pera dito sa Omegus World) kaya wala akong pambili. Sa aming dalawa, si Keyster lang ang may pera. Marami naman akong pera kaso pera sa mundo ng mga mortal na tao! Hindi naman iyon tinatanggap dito. Hahaha.
"Wala ka bang mapili?" tanong ni Keyster habang naglalakad kami papunta sa kung saan na hindi ko alam. Well first time ko palang namang makapunta dito kaya hindi ko alam ang pasikot sikot dito sa bayan.
"Wala. Wala akong magustuhan." sagot ko sa kanya habang patuloy na naglalakad.
Natigil lang ako sa paglalakad ng may batang lumapit sakin.
"Ate bili ka na po nitong ginawa kong kwintas. Matibay po ito at isa po itong lucky charm!" sabi sa akin ng bata. Sa tingin ko ay nasa pitong taong gulang pa lamang ito. Maliit pa kasi siya at maputing bata. Maamo rin ang kanyang mukha at may magandang mga berdeng mata. Naawa naman ako sa kanya hindi dahil sa mukhang mahirap siya kundi dahil sa murang edad ay nagtitinda na siya para kumita ng pera.
"Ano bang lucky charm ang meron diyan?" tanong ko sa bata. Umupo ako ng bahagya para maging kapantay ko siya.
"Ito pong kwintas na ito ay may kapangyarihan. Kapag po nasa kapahamakan o malapit kayo sa kapahamakan ay umiilaw po ang palamuti nito!" wika ng bata at ipinakita ang kulay puting pendant nito.
Lucky charm sa oras ng kapahamakan? Kapag malapit ako sa kapahamakan ay magliliwanag ang bilog na pendant? Interesting ha!
"Talaga ba? Magkano naman ang kwintas na ito?" tanong ko sa bata.
"Mura lang po Ate dahil mabibili niyo po ito sakin sa mababang halaga. Limang Lau lang po ang halaga nito!" sagot sa akin ng bata.
"Mura nga lang. Ikaw ba ang gumawa nito?" tanong ko sa kanya.
"Opo Ate, ako po ang gumawa nitong kwintas. Isa po sa ability ko ang gumawa ng mga lucky charm na may kapaki-pakinabang sa mga taong gagamit nito kaya Ate bilhin mo na po!" nakangiting sabi ng bata.
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster
FantasyShe is powerful. She is no ordinary. And most of all, she is a gangster. Meet Keira Bria Cantrell, isang babaeng palaban at walang inuurungan. Simula bata palang siya ay alam na niyang may kakaiba sa pagkatao niya pero nagbago ang kanyang buhay magm...