Chapter 68

2.2K 55 19
                                    

Keira's POV

It's already midnight at hindi pa rin nauubos ang mga kalaban. Ganito ba kalaki ang population ng Black Organization at hindi nauubos ang mga kalaban? Ano 'to, nagsusummon sila ng mga tauhan? Mahigit isang daan na ang napatumba ko pero hindi pa rin sila nauubos.

"Kaya pa ba?" tanong ko nang makasalubong ko si Layla.

"Of course, sisiw lang sa akin ang mga 'yan!" sagot ni Layla then she pulled the trigger of her gun.

"Good, take care!" sagot ko pagkatapos ay nagpaputok ulit ng baril. Bumulagta naman ang kalaban.

Nasa ikaapat na palapag na kami ng building na ito at nasisigurado kong nasa ika-anim na palapag sila Mommy and Daddy dahil hanggang anim na palapag lang naman ito. Mautak ang mga kalaban dahil pinapagod muna nila kami bago nila kami harapin but sad to say dahil habang tumatagal ay lalo kaming nag-eenjoy. It's been a long time since I handled a gun. Akala ko nga humina na ang skills ko pagdating sa ganitong sitwasyon eh but I am Keira Bria Cantrell, the most gorgeous and most powerful woman alive in the world and you should not mess with me!

Putok dito, putok doon. Hindi rin nagtagal ay naubos na namin ang mga kalaban sa palapag na ito. Nakasama na rin namin sila Ella pati na ang iba.

"Okay girls, I'm glad that you all fine and still alive. I know mas marami ang nasa taas so be careful." I said at dahan dahang umakyat sa hagdan.

Pagkaakyat palang namin ay sinalubong na kami ng putok ng baril pero mabilis kaming nakakilos at napatumba sila. Kita ko ang bawat isa kung paano lumaban at magpatumba ng kalaban. Sa murang edad namin ay nagagawa na namin ang ganito, na dapat ay nasa eskwelahan lamang kami at nag-aaral ng mabuti katulad ng mga normal na students but we are in the different world. Magkaiba kami ng mundo na ginagalawan.

Naghagis si MM ng smoke bomb at sabay sabay naman kaming nagpaputok ng baril. This is our strategy, nakakatulong ng malaki ang mga bombs ni MM sa ganitong sitwasyon. Since hindi nila kami makita ay madali namin silang napapatumba. They can't let us down! We did not train ourselves for nothing!

Lumipas ang isang oras na akala mo ay nasa gyera kami. Lahat naman ay nasa maganda pa ring kondisyon pero makikita mo na sa kanila ang pagod. Ilang oras na kaming nakikipaglaban pero hindi pa rin natatapos.

"Sa likod mo!" sigaw ni Miya. Agad akong nagpaputok ng baril at bumulagta ang isa.

"That was so close!" sabi ni Angel.

"Don't worry, I knew it." sagot ko na ikinataka naman nila. Yes I knew it, umilaw ang necklace ko na binili namin ni Keyster sa isang bata noong nagpunta kami sa Listheria City. Umiilaw ang necklace na ito kapag malapit ako sa kapahamakan. Malaki ang naitulong nito sakin!

Nang maubos na ang mga kalaban na nasa palapag na ito ay agad kaming tumungo paakyat sa may hagdan.

"Hay salamat at naubos din sila! Juice colored nai-stress na ang beauty ko! Myghadd!" sabi ni Ella.

"I feel you Sis, like duh?" sabat naman ni MM kaya napatawa kami.

"Pwede bang magpahinga muna tayo kahit ten minutes lang? I feel tired na." sabi ni Fanny kaya napatigil kami. Naupo kami sa sahig para magpahinga. Hindi biro ang anim na oras na pakikipaglaban sa mga panget na alagad ng Black Organization na ito.

"Wala na akong bala." wika ni Audrey.

"Paubos na rin ang akin." sabat ni Carley.

Humugot ako ng ilang baril at bala sa bag ko at ihinagis sa kanila.

"Thanks!" sabay na sagot ng kambal. Nginitian ko lang sila bilang sagot.

"Anong plano pagkatapos nito?" tanong ni Miya kaya napatingin kami sa kanya. "I mean, your parents are charmers. Babalik na ba sila sa Omegus World?" dagdag niya pa.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon