Chapter 59

3.4K 98 5
                                    

Keana's POV

After what happened to me last time sobrang natakot na akong lumabas ng school. Feeling ko dito lang ako sa loob ng akademya ligtas pero alam kong hindi parin 100% na ligtas dito sa loob ng akademya. Nagawa ngang makapasok ng mga Dark Sorcerers kahit sinasabi nilang mataas na ang sekyuridad ng eskwelahan di'ba?

Kahit pagpunta lang dito sa Dragon Garden ay natatakot ako pero alam ko namang ligtas ako dahil nandito lang sa tabi ang kakambal ko.

Ngayon ko na malalaman kung anong klase ng Guardian Dragon ang meron ako. Kahit ano mang itsura niya ay tatanggapin ko siya dahil alam kong siya ang nakatakda sakin. Nandito kami sa tabi tabi at kasama ko ang kakambal ko. Sobrang thankful ako kay Keira kasi nilagtas niya ako and also to Keyster. Para sa akin ay hindi pa sapat ang pasalamat lang dahil sa ginawang pagliligtas nila samin.

Actually kanina pa kaming dalawa ni Keira paikot-ikot dito sa Dragon Garden pero hanggang ngayon ay hindi parin namin nakikita yung Guardian Dragon namin. Wala man lang lumalapit samin hindi katulad nila MM na nahanap na nila yung guardian dragon nila. Kusang lumapit sa kanila eh samantalang samin wala. Natatakot ba sila samin? Kung pwede lang pumili ay kanina pa akong nakapili.

"Wala parin?" tanong ni Keira sakin. Umiling ako bilang sagot ko.

"Nasaan na kaya sila? Pinagtataguan yata tayo eh?" sabi niya kaya medyo natawa ako.

"Mukhang wala yatang may gusto sating guardian dragon. Hahaha" wika ko at natawa rin siya.

Naglakad lakad pa kami hanggang sa nakarating na kami sa dulo nitong Dragon Garden. Sa dulo nito ay may isang malaking puno at parang kumikinang o nagliliwanag ang punong ito. Nakikita iyong liwanag kahit may araw pa. Kung titingnan mo yung puno parang isang magical tree ito.

"Meron palang ganito dito?" wika ni Keira at nakatingin sa puno.

"Ang ganda!" namamanghang sabi ko.

Sandali pa naming pinagmasdan yung puno bago naming naisipang umalis. Naglalakad na kami paalis ng may mas malakas na liwanag kaming nakita. Halos masilaw na kaming dalawa.

"Ano 'yon?!" tanong ko. Nagkibit balikat lang siya.

"Di ko rin alam pero nanggaling sa may itaas ng puno." sagot niya. Mukhang parehong walang idea kaming dalawa. "Gusto mong tingnan ko sa itaas?" wika niya pa.

"Ikaw bahala, ikaw ang may kapangyarihan ng hangin sating dalawa. You can fly! Haha" sagot ko sa kanya.

"Ano pa nga ba? Hahaha" at sabay kaming tumawang dalawa.

Lumipad si Keira papunta doon sa may maliwanag. Hindi na ganon kalakas ang liwanag kaya hindi na ito nakakasilaw. Hindi naman sobrang taas pero hindi parin namin makita kung anong nasa itaas dahil natatakpan ito ng makapal na dahon.

Maya maya pa ay bumaba na si Keira at may dalang isang malaking itlog. Di ko sure kung itlog nga ba pero parang itlog eh tsaka medyo kulay green na may halong itim siya. Nang makababa si Keira ay itlog nga ang dala niya at sobrang laki nito. May pumapalibot ditong aura sa paligid ng shell niya.

 May pumapalibot ditong aura sa paligid ng shell niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon