Angel's POV
Hello! I am Angel Qotines, 16 years old at masasabi kong maganda ako. Hahaha. Syempre kailangan mong itaas ang sarili mo. Hindi ko na kailangang sabihing mayaman ako dahil matik na 'yon. Alam nyo narin namang isa akong gangster. Ayaw ko nang pahabain ng introduction ko. Nakakasawa na! Hahaha.
Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Gusto ko sanang mag-shopping ngayon kaso wala naman akong kasama. Si Fanny kasi hindi ko mahagilap. Simula kahapon nung iwan namin siya sa school habang malakas ang ulan hanggang ngayon ay wala pa siyang paramdam. Si Miya naman paalis ngayon kasi bibisita raw siya sa Lola niya sa Promerus Province. Wala tuloy akong makasama mag-shopping!
Kaya ito ako ngayon, naglalakad kung saan na hindi ko alam ang patutunguhan. Wala naman kasing magawa sa bahay. Mas boring 'don tsaka palagi nalang akong pinapagalitan at sinisigawan ni Amanda kahit wala naman akong ginagawang masama. Ewan ko ba pero ang init ng dugo 'non sakin unlike ni Daddy na sobrang mahal at caring sakin. Palibhasa hindi niya ako tunay na anak! Actually step mother ko lang 'yang si Amanda. Namatay na kasi ang tunay kong Mommy nung bata pa ako. Ang alam ko ay may connection ang Mafia sa pagkamatay ng Mommy ko kaya pinasok ko ang mundo ng Mafia at Gangster. Tsk.
Di ko alam pero kusa akong dinala ng paa ko dito sa isang lugar na may malawak na field. Walang katao tao at tanging ako lang mag-isa.
"Hay! Nasaan na ba ako? Buti pa dito tahimik at nakakarelax." sabi ko sa sarili ko at naupo sa malambot na damuhan. Kung nasa bahay ako ngayon paniguradong sinisigawan na naman ako ni Amanda!
Oo, Amanda lang ang tawag ko sa kanya dahil hindi naman sya kagalang galang na tao. Nung umpisa mabait siya sakin pero di nagtagal ay lumabas din ang tunay na kulay ng budhi nya. Mas maitim pa sa kili-kili niya. Nakakadiri! Ni hindi nga ako boto na mag-asawa ulit si Daddy eh kaso wala rin naman akong magagawa. Bahala nalang sila sa buhay nila. Wala na akong pake sa kanila. Do whatever they want!
Napahiga nalang ako sa damuhan habang pinagmamasdan ang kalangitan.
"Sayang lang at wala akong karamay ngayon dito! Hay buhay!" sabi ko sa hangin habang patuloy ang pagmasid ko sa langit. May malalaking ulap na may iba't-ibang hugis. Naalala ko nung bata pa ako palagi kong tinitingnan ang mga ulap tapos iniisip ko kung anong hugis siya. Madalas ay mga hugis hayop. Ang sarap bumalik sa panahon na bata ka pa, wala kang iniisip na problema. Masaya ka at puro laro lang hindi tulad ngayon na puno ka na ng problema at sobrang daming iniisip.
Itinuro ko ang ulap. "Iyang ulap na 'yan hugis butiki. Hahaha" sabi ko habang turo ang ulap. Patuloy ko paring pinagmamasdan ang ulap na hugis butiki hanggang sa maghiwa-hiwalay na ang parte nito.
"Awww!" sabi ko dahil bigla akong nasilaw sa malakas na liwanag. Napakunot ang noo ko dahil may napansin akong kakaiba sa langit. Mataas na ang sikat ng araw pero may isang bituin akong nakikita. Ang weird huh? Star habang may araw tapos nagni-ningning pa? Hahaha. Corny nya! Siguro may meaning yun?
⭐️
"Awooooo!"
Bigla akong napabalikwas ng bangon dahil sa narinig kong alulong. Nagsitayuan din ang balahibo ko sa katawan dahil doon. Hindi kaya't may lobo sa lugar na ito?
Agad kong kinuha ang bag ko para umalis na sa lugar na ito pero huli na ang lahat. Isang malaking itim na lobo at kulay pula ang mga mata ang tumakbo sa harapan ko. Mahahaba at may matutulis na ngipin. Kayang kaya akong lapain ng lobong ito!
"Oh my gosh! Sh*t!" napamura na ako sa sobrang takot dahil isang lobo ang nasa harapan ko ngayon.
Dahan dahan akong umatras para takasan siya pero bawat hakbang ko patalikod ay si namang hakbang niya paabante!
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster
FantasyShe is powerful. She is no ordinary. And most of all, she is a gangster. Meet Keira Bria Cantrell, isang babaeng palaban at walang inuurungan. Simula bata palang siya ay alam na niyang may kakaiba sa pagkatao niya pero nagbago ang kanyang buhay magm...