Chapter 33

6.2K 164 11
                                    

Keana Briel Hartwell's POV

The night was dark and the moon was young. The stars are shining bright!

Naramdaman kong humampas sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Tahimik at madalim ang gabi. Tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag sa gabi at ang mga bituing nagniningning. Huni lang ng malaking ibon at mahihinang tunog ng mga kuliglig sa damuhan ang tanging naririnig ko.

Narinig kong bumukas ang pinto. "Ate hindi ka pa ba papasok sa loob? Malamig na diyan sa labas." sabi ni Niel. Ang batang kapatid ko. Siya ay walong taong gulang palang.

Katunayan ay hindi ko naman talaga siya kapatid dahil isa lang akong ampon. Namatay na rin ang tunay nilang mga magulang na nagkupkop sakin nung sanggol pa lamang ako. Tanging pangalan ko lang ang alam ko sa totoo kong pagkatao. Sabi nila Tatay Gorio ay nakita lang daw niya ako sa isang damuhan noong nagpunta siya sa kakahuyan para manguha ng tuyong kahoy na panggatong. May nakalakip daw na pangalan na 'Keana Briel Hartwell' ang suot kong balabal kaya 'yon na rin ang ipinangalan nila sakin. Tanging pangalan ko lang at ang isang marka sa dibdib ko ang aking pinanghahawakan para sa totoo kong pagkatao. May marka akong tatsulok sa aking dibdib at may ilang maliit na simbolo sa bawat sulok sa loob nito.

 May marka akong tatsulok sa aking dibdib at may ilang maliit na simbolo sa bawat sulok sa loob nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang maliit na simbolo sa itaas ay isang patak ng tubig. Ang sa kaliwa ay isang snowflake at sa kanan naman ay isang kidlat. Walang anumang simbolo sa gitna nito. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng markang iyon pero wala naman akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko. Parang natural lamang iyon. Iyon lamang ang alam ko sa totoo kong pagkatao.

"Papasok narin ako Niel, tulog na ba si Anikka?" tanong ko sa kanya. Si Anikka naman ang bunso, limang taong gulang pa lamang.

Tumango siya bago sumagot sakin. "Mahimbing na ang tulog Ate. Pasok kana rin sa loob mamaya tutulog na rin ako, Ate." sagot nya sakin pagkatapos ay pumasok na siya sa loob.

Kaming tatlo lang ang naninirahan sa maliit na bahay na ito. Ako ang kumakayod para sa panggastos namin sa araw-araw. Hindi naging madali sa akin iyon dahil kasabay ng pagta-trabaho ko ay ang pag-aaral ko.

Simula nung namatay na sila Nanay Ely at Tatay Gorio ay ako na ang nagsilbing magulang nila kahit labing limang taong gulang palang ako. Hindi ko naman kasi sila maaaring iwanan dahil wala namang magkukupkop sa kanila.

Mahirap pero simple lang ang estado ng buhay namin. Ang kinikita ko sa pagwe-waitress sa isang restaurant ay siya ring panustos sa pag-aaral naming tatlo. Estudyante sa umaga, waitress sa gabi. Sapat naman na iyon para buhayin ko sila. Mahirap nga lang pero kailangang tiisin.

Napabuntong hininga na lang ako bago tumayo sa inuupuan kong bangko. Pumasok na ako sa loob at pumunta sa maliit naming kusina para kumuha ng tubig.

Narinig ko sa labas ang malakas na tahol ng aso. Mukhang may tao yata sa labas. Dahan dahan akong naglakad patungo sa may bintana. Nang makarating ako ay hinawi ko ang kurtina at sumilip sa aming bintana na gawa lamang sa manipis na kawayan.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon