Chapter 41

6.3K 154 11
                                    

Keira's POV

Kasalukuyan kaming nandidito sa Secret Head Quarters namin para maghanda sa bloody fight na magaganap mamaya. Pasado ala sais na nang dumating sila Layla, mabuti naman dahil may halos dalawang oras pa kami para maghanda. Kumpleto naman kami dito maliban nalang kay Ella at MM. Sila Keyster naman ay nandoon sa living room. Wala naman kasi silang alam tungkol sa ganitong bagay. Gusto rin nilang manuod ng laban kaso hindi maaari dahil kami lang ang pwedeng pumasok sa loob. Pwede naman sila sumama kaso sa labas nga lang sila.

Tuwing naaalala ko yung boses nung babae kanina sa telepono ay nag-iinit ang dugo ko. Wala akong matandaang atraso sa kanila, ni hindi ko nga sila kilala eh! Sabagay ganon talaga sa Mafia at Gangster World, hindi mo alam kung sino ang tunay mong kalaban. Subukan lang nilang saktan ang dalawa kong kaibigan, sigurado akong hindi na sila makakalabas ng buhay sa Private Underground Battle!

"Sigurado ka bang 'yan lang ang dadalhin mo?" takhang tanong ni Stacey kay Angel. Dalawang dagger lang kasi ang kinuha nya. Tumango lang si Angel bilang sagot nya.

"Why you don't use gun? Hindi mo alam kung anong uri ng labanan ang magaganap doon. That's a serious fight, it's bloody fight to be exact!" wika ulit ni Stacey.

"I know, don't worry Stacey I can handle myself." confident na sagot ni Angel sabay ngiti ng nakakaloko. Siguraduhin nya lang na kaya niyang gampanan yang sinabi nya ah!

Kanya kanya kaming lagay ng baril sa gun pocket namin. Mayroon sa loob ng sweater, meron sa bag at meron sa mga hita, maliban lang kay Angel na dalawang dagger lang ang hawak. Pakiramdam ko, ako ang kinakabahan para sa kanya eh. Sigurado ba talaga siyang dagger lang ang dadalhin nya?

"Keira! Paabot naman ng smoke bomb." wika ni Layla. Tinaasan ko siya ng kilay, porket nasa harapan ko ang granada ako na agad? "Dali na, maganda ka naman!" pambobola pa ni Layla. Jusko, di na ako kailangang i-remind. I already know it!

Ihinagis ko sa kanya ang tatlong smoke bomb, agad nya naman itong sinalo. "Thanks!" nakangiting sabi nya.

"Kumpleto na ba ang dala nyo?" tanong ko kaya napatingin silang lahat sakin.

"Okay na itong dala ko, hindi na masama ang anim na baril." sagot ni Stacey.

"Okay narin itong sakin, four guns and three smoke bombs." sagot naman ni Layla.

"Two guns and a katana, I think these are enough." sagot naman ni Fanny.

"Four pistol guns ang dala ko, okay na ko dito." sagot naman ni Miya.

"Basta ako okay na sakin itong dalawang dagger." sagot naman Angel.

"Kung ganon, get ready dahil pupunta na tayo. Kailangan nating makuha sila MM at Ella at ngayon narin nating makikita kung sino ang may pakana nito. We don't know yet who are our enemies, so please be careful!" wika ko sa kanila. Ngumiti naman silang lahat sakin. Hindi pa namin alam kung paano lumaban ang kalaban namin. Hindi ko alam kung anong strategy ang meron sila kaya kailangan naming mag-ingat ng mabuti.

Isa isa ko silang tiningnan. Wala akong nakikitang takot o kaba sa kanila. Parang lahat sila ay pursigidong makuha sila Ella at MM. Iyan ang katangian ang nagustuhan ko sa kanila. They don't scare! They fight for the sake of friendship!

"So let's go?" tanong ko.

"Let's go!" sabay sabay nilang wika.

"Goodluck, mag iingat kayong lahat!" huling paalala ko bago kami lumabas ng room.


Ella's POV

Narinig kong may paparating dahil sa mga tunog ng sapatos. Dahan dahan namang bumukas ang pinto kaya agad kaming napatingin ni MM doon. Medyo masakit parin ang ulo ko, sigurado akong ganon din ang nararamdaman ni MM.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon