Chapter 52

6.1K 159 31
                                    

Aldrich's POV

Simula nung makita ko siyang umiiyak hindi na siya nawala sa isip ko. Alam kong isa siyang charmer dahil naramdaman ko iyon nung nakita ko siya. Di ko nga lang alam kung anong pangalan at kung anong charm niya. Hehe.

Naglalakad ako ngayon papunta sa Magicus Academy dahil alam kong nandoon siya. Matagal na simula nung huli akong nanggaling dito, na-miss ko rin itong Listheria City ng sobra.

Nang makarating ako sa harap ng malaking pinto ng Akademya ay kumatok ako ng tatlong beses. Lumabas naman ang isang lalaki na nasa 40's na, siguro ay isa siyang gwardya ng Akademya.

"Anong kailangan mo?" tanong sakin ng gwardya.

"Ah nais ko pong pumasok ng Akademya. Nagmula pa po akong Mortal World!" wika ko sa gwardya. Tiningnan naman niya akong ng kakaiba na parang sinusuri ang katauhan ko. "Mister wag po kayong mag-alala dahil hindi po ako Black Wizard." wika ko. Sa tingin ko kasi iyon ang iniisip niya sakin. "Tsaka kung Black Wizard man ako edi sana hindi ako makakarating dito sa harap ng Akademya dahil sa malakas na barrier. Di'ba po?" dagdag ko pa. Totoo iyon, kaya hindi basta basta nakakapasok dito ang mga Black Wizards dahil sa malakas na harang na ginawa ng mga opisyal ng Akademya. Maliban nalang sa Legendary Charmer dahil nasa kanya lahat ng kapangyahiran.

"Tama ka nga. Halika na para makapasok ka!" sabi ng gwardya at tsaka pinapasok ako. "Maiwan na kita dito, ikaw nalang ang bahalang pumunta sa office ng Head Master!" sabi ng gwardya.

"Salamat po!" sagot ko at tuluyan ng naglakad.

Patay! Sa laki ba naman ng akademyang ito, saan ko hahanapin ang Head Master's Office?

Sakto namang may tatlong babaeng estudyante akong nakita. Tama! Magtatanong nalang ako sa kanila. Hahaha.

Madali akong lumapit sa tatlong babae na naglalakad papunta sa kung saan.

"Miss!" tawag ko sa kanila kaya napatigil sila at napatingin sakin.

"Pwede bang magtanong?" wika ko sa kanila. Eto namang isa nagpapa-cute pa sakin. Tsk.

"Go lang!" sagot ng nasa gitna.

"Ah alam mo nyo ba kung saan yung Head Master's Office?" nakangiting tanong ko sa kanila. Bigla namang nagbago ang expression ng mga mukha nila.

"Ano raw? Head Master's Office? Nabingi yata ako!" sarcastic na sabi nung isa.

"Sorry di ka namin matutulungan d'yan!" sagot naman ng isa.

"Ha! Head Master's Office raw! Di namin alam 'yon. Allergic kami sa lugar na 'yon! May bakulaw don!" sabi ng nasa gitna sabay talikod paalis. Napailing nalang ako sa kanila. Siguro mga pasaway ang mga 'yon kaya ayaw na ayaw pumunta sa Head Master's Office!


Keira's POV

Hindi ko alam na ngayon pala ang birthday ni Keyster. Bakit ko alam na ngayon? Huwag kayong echosera dahil sinabi lang sakin ng madaldal na si Hared.

Kaya eto ako ngayon nandidito sa may dorm namin mag-isa. Pinalayas ko muna si Layla at Tammy dahil naiimbyerna ako sa pagmumukha nila, and charr! Hindi joke lang, umalis sila dahil bibili raw sila ng gift nila kay Keyster. Duh? Kailangan pa ba 'non? Pwe!

Kung tatanungin nyo ako kung anong ginagawa ko ngayon hindi ko sasabihin pero kung pipilitin nyo ako, sige na nga tutal mga chismosang palaka naman kayong lahat! Hahahaha. Nandidito ako sa kitchen at naisipan kong mag-bake ng cake para may mamerienda naman ako! Huh! Anong akala nyo para 'to kay Keyster? In your dreams! Bakit ko naman siya pag-aaksyahan ng oras? Bakit gwapo ba sya?

Pero sige na nga, aaminin ko na! Oo na gwapo siya! Naisipan kong ipag-bake ng cake si Keyster at wag na kayong magtanong kung bakit dahil baka masampal ko lang kayo! Mga chismosang palaka! Wag n'yong pag-initin ang ulo ko dahil baka magdilim ang paningin ko at papilahin ko kayo isa isa at sampalin ng 360 degrees! Ano may aangal? Sampal agad!

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon