Chapter 12

11K 281 19
                                    

Keira's POV

Ayon sa sabi ni Becca ay bukas pa ang regular class ng lahat ng students dito sa Magicus Academy kaya ipapasyal nya raw kami dito sa buong palasyo— este academy pala. Hayys hanggang ngayon di parin ako makapaniwalang isa lamang akademya ito at hindi palasyo. Napakalaki at napakaganda!

"Ito na yung dorm nyo Keira at Layla. Maiwan na namin kayo, mamaya pupuntahan ko kayo para mai-tour ko kayo sa buong campus. Pahinga muna kayo." sabi ni Becca ng tumigil kami sa harapan ng isang pinto.

MAD #14

"Sige, thanks a lot Becca!" sabi naming dalawa ni Layla.

"Bye, pahinga na muna kayo." sagot samin ni Becca.

"Bye Carley and Audrey!" sabi ni Layla at nagsimula na silang umalis papuntang fourth floor dahil ihahatid din nya ang kambal. Nasa third floor ang dorm namin at nasa fourth floor naman ang dorm ng kambal.

"Grabe! Hindi pala uso dito ang elevator. Kapagod umakyat!" reklamo ko. Paano ba naman inakyat namin gamit ang hagdan simula first floor hanggang third floor.

"Oo nga e, hinihingal tuloy ako tsaka ang sakit ng hita at binti ko!" sabi naman ni Layla.

"Ikaw na ang kumatok, sigurado akong nandiyan sa loob yung isa pang dorm mate natin." utos ko kay Layla dahil siya ang nasa malapit sa pinto.

*tok!* *tok!* *tok!*

Makalipas ang ilang segundo ay bumukas na ang pinto.

"Hi! Kayo na bang dalawa yung magiging dorm mates ko?" tanong samin nung babae. Nakangiti pa sya at mukhang mabait naman.

"Hello, yes kami nga ang new dorm mates mo!" sagot ni Layla.

"Nice! Halika na kayo sa loob, pasok na kayo. Yiiiieee!" luh?! Para siyang baliw. Tuwang tuwa sya. Tss.

Pumasok na kami dala dala ang mga maleta namin.

"Maupo muna kayo." sabi nya kaya naupo kami sa mahabang sofa dito sa salas ng dorm namin.

"By the way, I'm Tammy Haelus! 15 and I'm a healer. Anong pangalan nyo at charms nyo?" pakilala nya sa sarili nya. (Haelus - Hey-lus)

"I'm Layla Bretman, a plant manipulator. Ugh! Nakakapagod!" sabi ni Layla ng makaupo sya.

"Keira, ice charmer." tipid kong pakilala sa sarili ko. Sapat na iyon hindi naman kailangan detailed na detailed ano! Tss!

Gusto ko munang magpahinga.


Tammy's POV

Oh di'ba? Bagong character lang ako pero may POV agad! I love you na talaga Author! Hahaha!

Yiiieee! Grabe ang ganda naman nung mga kadorm mates ko. Lalo na si Keira kaso ang tipid naman niyang magsalita tsaka parang masungit siya. Nakakatakot tuloy tanungin. Napakaganda nya, maputi at makinis ang balat. May sapat na tangkad para sa edad nya. May mapupulang labi na parang mansanas, matangos na ilong, mapupungay na brown na mata at black brown na buhok. Ang ganda nya! Hehe.

"Sorry ah, medyo makalat pa dito sa dorm natin. Di pa ako nakakapagligpit dahil kakarating ko lang din kahapon eh." nahihiyang sabi ko sa kanila habang nililigpit yung ilang mga kalat.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon