Keira's POV
Hanggang ngayon ay di parin ako nakaka-move on sa ginawa sakin ni Keyster. Sa totoo lang ay hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit niya ginawa sakin 'yon. Ang gulo niya, ginugulo niya ang isip ko! Kahit sarili ko ay naguguluhan na rin dahil sa ipinapakita niya saking ugali. Ayaw ko namang sirain ang pangako ko, kaya hindi pwede!
Natatakot ako. Natatakot ako sa katotohanang baka mahulog din ako sa kanya. I won't make it happen dahil ayaw ko ring masaktan. Isa pa, hindi ko sisirain ang pangako ko kay Maika dahil lang sa nararamdamang ito. Para sakin ay mas mahalaga ang pagkakaibigan kesa sa pagmamahal. Mali ang nangyayaring ito! Hindi pwede!
"Huy!" bigla akong nagulat nang bigla akong tapikin ni Ella.
"Bakit?!" inis ko siyang tiningnan habang nakakunot ang noo ko.
"Tulala kana naman d'yan, ano bang iniisip mo? Bakit nag-iisa ka?" tanong niya sakin at tinabihan ako sa upuan.
Nandidito kami sa may rooftop ng building namin. Kanina ako lang mag-isa dito dahil gusto ko lang mapag-isa. Sila MM naman ay nasa room yata.
Ano nga bang iniisip ko? O baka sino?
Si Keyster.
"Ah wala?" pagsisinungaling ko pero tiningnan nya lang ako na parang di siya naniniwala. Magsisinungaling na nga lang ako yung di pa makatotohanan. Tss.
"Sabihin mo na, para saan pa at naging kaibigan mo ang isang magandang dyosa na katulad ko?" sabi niya na ikinataas ng kilay ko. Imba rin ang isang ito eh!
"Hayys, si Kesyter." tipid kong sabi sa kanya tsaka bumuntong hininga. Nakita ko naman siyang ngumisi ng nakakaloko.
"Taray naman! Pumoporeber ang lola nyo!" sabi niya sakin sabay tawa. Shungang ito! Sinamaan ko nga ng tingin.
"Kwentuhan mo naman ako!" sabi niya na parang inaasar ako. Di ko nalang siya tiningnan sabay ng flip ng hair ko. Di ko feel magkwento ngayon. Nagpapaka-chismosa lang siya! Tss.
Tumayo ako at pumunta sa unahan kung saan matatanaw ko ang nasa ibaba. Itinaas ko ang dalawa kong kamay dinama ang malamig na simoy ng hangin. Nagulat nalang ng isang bolang apoy ang dumaan sa harapan ng mukha ko. Napatingin naman ako kay Ella na ngayon ay nakangisi habang nasa kamay naman niya ang isa pang bolang apoy. She's fire charmer after all. Sa pangalawang pagkakataon ay muli niyang ibinato sakin ang hawak n'yang apoy. Mabuti nalang ay mabilis akong nakailag dahil kung hindi ay magtago na siya sa saya ng nanay nya!
Isang malakas na halakhak ang narinig ko mula kay Ella kaya naagaw na naman nya ang atensyon ko. Naglabas ulit siya ng apoy sa magkabilang kamay niya.
"So you want to play with me?" tanong ko sa kanya.
"I guess so?" sabi niya at ibinato sakin ang isang apoy.
"Wooh! That was so close!" sabi ko nang mailagan ko yung atake niya. Ngumiti lang siya sakin.
Ngayon ako naman. Malawak naman itong rooftop tsaka may harang kaya hindi nila kami makikita dito pero alam kong kailangan parin naming mag-ingat.
Inilahad ko ang kanang kamay ko at isang apoy din ang inilabas ko. Sa kaliwang kamay ko naman ay isang waterball ang inilabas ko. Ngayon ako naman ang ngumisi sa kanya.
"Water and fire? Tama nga si Firelius na marami kang charm Keira! Sabagay ano pa nga bang aasahan ko? You are the one and only, the Legendary Charmer! I wonder tuloy kung ano pa ang iba mong charms. Haha" sabi ni Ella sakin at umayos ng pwesto nya.
"Wanna know it?" sabi ko sabay taas ng isang kilay ko. Nag-eenjoy ako sa ginagawa naming ito.
"Of course, my majesty!" sabi niya sabay bow. Aba! San nya nakuha 'yang mga papaganyan nya? Natawa tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster
FantasíaShe is powerful. She is no ordinary. And most of all, she is a gangster. Meet Keira Bria Cantrell, isang babaeng palaban at walang inuurungan. Simula bata palang siya ay alam na niyang may kakaiba sa pagkatao niya pero nagbago ang kanyang buhay magm...