Chapter 19

9.3K 241 16
                                    

Keira's POV

Hindi ko maipaliwanag pero ang lalim ng iniisip ko. Simula kasi nung narinig ko yung salitang 'Hartwell' sa report ni Becca ay may kakaiba na akong naramdaman. Parang narinig ko na yung salitang iyon somewhere. Pero dahil sa report ko ay mas unti unti nang nabubuo ang mga sagot sa katanungan ng pagkatao ko.

"Alright, let's proceed to Miss Cantrell's report. So Miss Cantrell please proceed in the front and start your report!" narinig kong sabi ni Miss Cathy.

Ako na ang magre-report. Sana maging okay 'tong kalalabasan ng report ko. Pinaghirapan ko rin itong gawin tsaka medyo na-stress ang ganda ko dito. Nakakainis nga eh, na-stress na nga ako pero bakit hindi man lang nabawasan yung ganda ko? Tss.

Naglakad na ako papuntang unahan dala dala ang flashdrive na gagamitin ko para sa report ko.

"Good Morning everyone, my report is all about 'The Legendary Charmer'" wika ko patungkol sa report ko.

Actually halos kadugtong ang report ko sa report ni Becca. May connection kasi ang History ng Omegus World sa The Legendary Charmer.

Paano ko nga ba ginawa ang report ko kahapon? Gusto nyo bang malaman kung anong nangyari kahapon habang nagre-research kami sa library?

Okay, dahil lubos na chismosa kayo at saksakan naman ako ng kabaitan at kagandahan ay ikukwento ko na. Tss.

[Flashback]

Nandito na kami sa loob ng library. Halos kaming tatlo lang nila Layla at Becca ang tao dito pati na ang librarian dahil tapos na ang klase at uwian na.

Pagpasok palang namin ay nakikita ko na agad ang sandamakmak na libro. Ang library ay nasa isang building lang at may tatlong palapag. Punong puno ng libro ang loob at halos puro luma na rin ang karamihan.

Nagsimula na kaming maghanap ng mga libro tungkol sa report namin. Akala ko sa sobrang dami ng libro dito ay mahihirapan kaming maghanap, mabuti na lamang ay may mga label ang mga pinaglalagyan ng libro kaya madali namin itong nahanap.

Kumuha ako ng ilang libro na sa tingin ko ay magagamit ko tungkol sa report ko.

-The Legendary Princess
-The Book of Elemental Charmer
-Story of Megumi

Ilan lang iyan sa mga librong kinuha ko. Nang nakakuha na kami ng mga libro ay nagsimula na kaming gumawa ng report.

Napahikab na ako sa sobrang dami ng sinusulat ko. Napatingin naman ako sa isang libro na nasa loob ng square na glass. Parang bigla itong kuminang sa paningin ko. Ano bang libro iyon at parang kakaiba?

Tumayo ako at naglakad papunta sa librong sinasabi ko.

Nasa loob ito ng square glass. Kulay ginto ang libro at parang kumikinang pa. Ano bang libro ito? Tiningnan ko ang title ng libro.

AMISTHA

Iyan lang yung nakasulat sa libro. Ang weird naman ng title ng librong iyon. Parang may nag-uudyok saking kuhanin ang libro. Bubuksan ko na sana ang glass upang kuhanin ang libro pero biglang nagsalita si Becca.

"Wag mong gagalawin 'yan Keira, sagrado ang librong iyan!" sambit ni Becca. Bakit? Ano bang nilalaman ng librong iyan?

"Walang maaaring gumalaw ng librong iyan. Ipinagbabawal ni Head Master na galawin ang librong iyan dahil nga sagrado ang librong iyan." paliwanag ni Becca.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon