Chapter 36

6.2K 178 8
                                    

Bianca's POV
(Mommy ni Keira)

"Maupo muna kayo mga hija." sabi ko sa kanila. Nag-utos din ako kay Manang Sabel na ipaghanda sila ng maiiinom.

Sa totoo lang ay nagulat talaga ako sa sinabi ng mga batang ito. Hindi ko alam na may kakambal pala ang anak ko. Hindi sana ako maniniwala sa sinasabi nila pero nang sabihin nila ang pangalan ng batang iyon ay nawala ang pag-aalinlangan ko.

Keana Briel Hartwell

Iyan daw ang pangalan ng dalagang iyon na kamukhang kamukha ang anak ko. Parehong pareho sila ng itsura ni Keira. Hinding hindi nga maipagkakailang magkakambal sila ng anak ko. Dagdagan mo pa ng pangalan niya, magkahawig din.

Keana Briel Hartwell
Keira Bria Cantrell-Hartwell

Dahil sa apelyidong Hartwell ay nakakasigurado akong kakambal nga siya ni Keira dahil Hartwell ang totoong apelyido ng anak ko.

Tiningnan ko ang batang iyon, maganda, maputi, malusog. Kamukhang kamukha niya ang anak ko.

"Hija, bakit ngayon ka lang dumating? Matagal na kitang hinahanap!" wika ko kahit kasinungalingan lamang iyon dahil hindi ko naman alam na may kakambal pala si Keira. Noong makita namin si Keira sa Portal Forest ay wala siya at tanging si Keira lang ang naroroon. "Halika nga dito, payakap!" sabi ko sa kanya. Tumayo siya sa pagkaka-upo niya at lumapit sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mabuti at nakita nyo sila mga Hija, sigurado akong matutuwa si Keira pag nalaman niya ito!" sabi ko sa kanila.

"Nasaan po ba talaga si Keira?" tanong ni Mercedes.

"Patawad pero hindi ko talaga maaaring sabihin sa inyo kung nasaan siya." sagot ko sa kanila. Hindi nila maaaring malaman na nasa Omegus World si Keira dahil hindi naman sila mga charmers. Hindi maaaring malaman ng mga mortal na tao ang tungkol doon.

"Naiintindihan po namin Tita, sana ay nasa mabuting kalagayan si Keira." sabi ng dalagang si Ella.

"Ah Tita hindi rin po kami magtatagal dahil kailangan na po naming pumasok sa school. Hinatid lang po talaga namin si Keana dito sa inyo." sabi ni Stacey.

"Ganon ba? Kung ganon ay mag-iingat kayo papuntang school. Salamat mga hija!" sagot ko sa kanila.

Matapos iyon ay nagpaalam na sila at umalis. Naiwan ang dalagang ito na kakambal ni Keira.

"Hija, halika sasamahan kita sa kwarto ni Keira. Magpahinga ka muna." sabi ko kay Keana. "May mga gamit din si Keira sa kwarto niya at sigurado akong kasya sa iyo ang mga iyon. Halika na?" sabi ko sa kanya at nginitian siya.

Isang maganda at malawak na ngiti rin ang natanggap ko mula sa kanya. Kung nandidito lang si Keira ay siguradong matutuwa iyon dahil gustong gusto niyang magkaroon ng kapatid.

Magkasabay kaming umakyat papunta sa kwarto ni Keira.

"Habang wala si Keira ay sayo muna itong kwarto nya. Ipapaayos ko yung isang kwarto para maging sarili mong kwarto." wika ko sa kanya.

"Samalat po Tita Bianca!" sagot niya sakin.

"Hija, don't call me Tita. Just call me Mommy, okay?" nakangiting wika ko sa kanya.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon