Chapter 50

5.8K 141 8
                                    

Keira's POV

Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa labi ko nang makita ko silang sunod sunod na lumabas sa mga silid. Hindi ko alam kung anong klaseng labanan ang nangyari sa kanila dahil magandang nakaupo lang ako dito kasama si Layla. Alam ko namang sila ang mananalo kaya hindi ako naiingling sundan pa sila.

"Keira nagtagumpay kami!" masayang wika ni Ella ng makalapit siya sa amin. Lahat sila ay nakangiting lumapit sa amin.

"Alam ko namang kaya nyo kaya hindi ko na kayo sinundan pa. Good job charmers!" masayang bati ko sa kanila.

Nakita kong may ilang mga gasgas at sugat sila sa katawan. Syempre hindi naman mawawala sa isang battle ang hindi ka masasaktan.

"Tara na sa labas para magamot kayo ni Tammy!" wika ko sa kanila. Isang mapagtakang tingin lang ang ipinakita nila sa akin.

"Layla ikaw na nga ang magpaliwanag sa mga 'yan, mukhang hindi pa nila alam kung anong mayroon sa atin!" wika ko kay Layla.

"Ano pa nga ba? Tara na nga!" sagot ni Layla tsaka tumayo sa upuan. Tumayo narin ako at naunang naglakad palabas.


Layla's POV

"Nagtataka siguro kayo kung bakit kay Tammy tayo lalapit para pagalingin kayo." wika ko sa kanila habang naglalakad.

"Bakit nga ba sa kanya? Ano ba si Tammy?" tanong ni Angel sakin. Wala parin silang alam. Actually masaya ako dahil sila ang mga Chosens kasi makakasama na namin sila sa Omegus World. Hindi na namin kailangang iwan pa sila dito sa Mortal World.

"Isang healer si Tammy, she can heal your wounds. Kaya ka niyang pagalingin kahit ano mang sakit ang mayroon ka. Sa isang battle kailangan lagi may healer para kung mapuruhan ka man ay may handang gumamot sayo." mahabang paliwanag ko sa kanila. Tumango tango naman sila bilang sagot.

"OMG ang galing naman pala ni Tammy!" sagot ni MM.

"Ibig bang sabihin lahat silang kasama nyo ay mga charmers din?" tanong ni Miya.

"Yup, they are all charmers. You know, we have a mission kaya bumalik kami dito sa Mortal World. Kailangan namin hanapin ang Chosen 8 na actually kayo naman pala. Hayys, isa nalang ang kulang. Ang chosen of water." sabi ko pa.

"Walo ba kaming lahat? Kung ako, si MM, Ella, Miya, Fanny at Angel ang anim sino pa ang dalawa?" tanong ni Stacey.

"Ikaw Stacey na Chosen of Air, si MM na Chosen of Ice, si Ella na Chosen of Fire, Si Miya na Chosen of Earth, si Fannny na Chosen of Lightning at si Angel na Chosen of Lightness, si Keana naman ang Chosen of Darkness. Isa nalang ang kulang ang Chosen of Water." mahabang linya ko sa kanila.

"Si Keana ang Chosen of Darkness? It means kalaban ba siya?" takhang tanong ni Fanny.

"Nope." sagot ko habang umiiling. "Hindi lahat ng darkness ay kalaban. Iba si Keana, she has a good heart at pinili niya ang kabutihan. You know, si Keira ay may kapangyarihan din ng darkness. Keira is so much powerful. Siya ang may pinakamaraming charm dahil siya ang Legendary Charmer but Keana is powerful din naman. Kambal nga sila diba? But si Keana ay darkness, water, ice at lightning lang ang charms niya and she is the so called The Heavenly Celestial Charmer." mahabang paliwanag ko. Tumango tango naman sila na parang naintindihan ang sinabi ko.

"Kilala ko ang Chosen of Water." sambit ni MM kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Sino?" sabay sabay namin tanong kay MM.

"Si Alicia, siya ang Chosen of Water!" seryosong sagot ni MM.

"Alicia? Yung nasa Class 2?" tanong ni Ella.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon