Chapter 29

5.9K 158 1
                                    

Fanny's POV

Friday

"Fanny di ka ba talaga sasabay samin umuwi? May car naman kami." tanong sakin ni Miya.

"Hindi na Miya, parating na rin ang sundo ko. Nandiyan na 'yon mamaya ng konti." sagot ko sa kanya. Grounded kasi ako then no car for a week ang punishment sakin ni Daddy kaya wala akong magagamit na kotse ngayon. Hatid sundo tuloy nya ako kaya wala ring gala. Hayys.

"Oh siya kung di ka talaga namin mapipilit eh sayo nalang muna itong payong ko. Gamitin mo habang nag-iintay ka dito sa labas." sabi ni Angel at inabot sakin ang payong na hawak nya. Malakas kasi ang ulan ngayon, mukhang may bagyo yata. May kasama pang kulog at kidlat. Nakakatakot dahil madilim din ang kalangitan.

"Salamat, mag-iingat kayo pauwi!" nakangiting sagot ko sa kanila matapos kong abutin ang payong na binigay ni Angel.

"Sige na, mauuna na kami! Mag-ingat ka rin Fanny! T*nga ka pa naman! Hahaha" pagbibiro ni Miya sabay tawa. Luka talaga 'yang babaeng 'yan!

"Bruha ka! Mabangga sana kayo. Mga leche!" kunwaring naiinis kong sagot sa kanya.

"Ito naman di mabiro! Hahaha. Sige na, bye!" sabi niya.

"Oh sige na, umalis na kayo baka maabutan pa kayo ng baha." sabi ko sa kanila.

"Sige, good bye Fanny! Ingat ka d'yan!" sabi ni Miya tsaka sila nagsipasok sa kotse nila at agad na umalis.

Naiwan tuloy akong mag-isa dito na nakasilong sa may shed. Wala na ring ibang estudyante dahil nga malakas ang ulan kaya maagang nagsi-uwian. Tahimik at tunog lamang ng malakas na ulan at ilang mga kulog at kidlat. Wala man lang akong makausap. Tsk.

By the way, kilala nyo na ba ako? Syempre hindi pa. I know na kilala nyo lang ako by my name but not my story. So I will let you to know more about myself.

I am Fanny Wuaix (Pronounce as Way), 16 years old, a gangster and a former member of Spear Thunders. Actually may new Gangster group na kami which consists of six members. Angel, Miya, Ella, MM, Stacey and me. We named our group as 'Malefic Thunders'. Simula kasi nung nawala na sila Layla at Keira nabuwag narin yung groups namin. So naisipan nalang namin na pagsamahin kami as we are one.

Isa lang din akong normal na tao na may pangarap sa buhay, gusto magka-lovelife, medyo mabait (oo medyo lang kasi I admit naman kasi na I am spoiled brat and medyo bitch) at jolly person. Yes, I'm rich and from well-known family. My parents are also a part of Mafia Organization.

Actually I started to kill people when I was 10 years old. Simula nung pinatay si Ate Jhodie sa mismong harapan ko pa, nagbago na ang buhay ko. Gusto ko siyang ipaghiganti sa taong gumawa 'non sa kanya. Iyon yung mismong araw rin na nagsimula akong pumatay ng tao. But I just kill people who deserves to die. Simula 'non ay gumulo na ang buhay ko.

Nakatingin lang ako sa langit habang patuloy parin ang malakas na ulan. May malakas ding kulog at nakakatakot na kidlat.

Naramdaman kong nagba-vibrate yung phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko. Nakita kong tumatawag si Daddy sakin. Siguro malapit na siya.

"Hello Dad? Nasan kana ba?" tanong ko sa kanya over the phone.

"I'm sorry darling but I can't pick you up there right now." sagot sakin ni Daddy na ikinainis ko nalang bigla.

"What?! Are you serious Dad?!" inis kong sagot sa kanya. Paano ako uuwi kung hindi nya ako masusundo? My God! Bakit nya pa kasi kinuha yung kotse ko eh! Nakakabwisit!

"Sorry but I have a meeting right now. Try to comute nalang muna or if you want wait me just for 30 minutes then I'll fetch you there. Okay?" sagot nya sakin. What? Ako magco-comute?! No way!

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon