Keira's POV
"Samahan na kita..."
Nagulat ako dahil may nagsalita mula sa likod ko. Alam ko na kung sino siya dahil kilala ko ang boses nya.
Si Keyster.
Lumingon ako sa likod para makumpirma kung si Keyster nga at tama ako. Siya nga! Ano namang naisipan nito at gusto pa akong samahan?
"Ah-eh..." hindi ko alam kung anong isasagot ko. Naalala ko na naman bigla yung pinag-usapan namin ni Maika kanina kaya napatingin ako sa gawi nya.
Tiningnan ko si Maika ng ano-okay-lang-ba? look. Pasimple lang siyang tumango sakin pero may lungkot akong napansin sa mga mata nya. So it means okay lang sa kanya na samahan ako ni Keyster pero masakit para sa kanya. Ganun ba talaga ang love? Di ko alam eh, I never fall in love for someone in my whole entire life!
"Sabi ko samahan na kita sa paghahanap ng kahoy. Gabi na kaya delikado na lalo na't liblib ang lugar na ito." sabi ni Keyster. Ewan ko ba pero parang pa-cool sya tuwing magsasalita sya.
"Okayz" sagot ko at nagkibit balikat. Kahit naman kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko kung mayroon mang gumawa ng masama sakin. Wala rin naman akong choice kasi magpupumilit at magpupumilit parin 'yang si Keyster.
"Tara na para madali tayong makabalik." wika ni Keyster.
"Ayan na! Dumada-moves na naman si Boss!" biglang singit ni Hared. Dahil malapit lang si Hared kay Keyster, ayun nabatukan sya agad ni Keyster.
Nagtawanan naman silang lahat maliban kay Maika. I know what she feels right now, parang torture yung pagsama sakin ni Kesyter para sa kanya. Napailing nalang ako sa mga ginagawa nila.
"Guys, alis na kami!" wika ko sa kanilang lahat. Kinanchawan lang nila si Keyster. Mga baliw talaga!
Nagsimula na kaming maglakad-lakad para maghanap ng kahoy. Medyo malayo na rin kami sa kanila. Wala man lang umiimik saming dalawa habang naglalakad. Halos nakakabingi na ang katahimikan. Tanging huni lang ng malaking ibon, uwak or kuwago lang ang maririnig pati ang mga kuliglig sa damuhan. Madilim na kaya gumawa si Keyster ng bolang apoy para magkaroon ng liwanag kahit papaano sa dadaanan namin. Si Keyster ang nasa unahan at ako naman ay nasa likod nya. Sa sobrang tahimik at hindi ako sanay kaya ako na ang nag-umpisang bumasag sa katahimikan.
"Saan ba tayo kukuha ng mga kahoy?" tanong ko sa kanya. Wala naman akong idea sa ganito eh. Ang sukal pa ng mga damong dinadaanan namin. Buti nalang nagsuot ako ng pajama kanina.
"Diyan lang sa may bandang mapuno. Sigurado akong maraming mga tuyong kahoy doon." sagot nya sakin.
"Malayo pa ba 'yon?" tanong ko sa kanya. Patuloy parin kami sa paglalakad.
"Malapit na tayo." sagot nya sakin. "Kung hindi pala kita sinamahan sa paghahanap ng kahoy edi naligaw kana, ni hindi mo nga alam kung saan ka kukuha ng kahoy. Tss" masungit na sagot nya sakin. Ano namang nangyari dito at nagsusungit na naman? Bipolar din ito minsan. Tss.
Hindi nalang ako sumagot sa kanya. Bakit? Wala lang, trip ko lang. Pake mo ba?
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang kakahuyan. Napatigil ako at pinagmasdan ang kakahuyan. Madilim at puro puno. Buti nalang at hindi na masyadong madamo dito. Nakikita ko ang mga tuyong puno at mga ibong lumilipad sa itaas. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ilaw samin dito dahil pinatay na ni Keyster yung fireball nya. Nakakatakot ang ambiance ng lugar na ito. Para siyang sa mga horror movie. Malakas pa naman ang hampas ng hangin kaya medyo malamig.
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster
FantasyShe is powerful. She is no ordinary. And most of all, she is a gangster. Meet Keira Bria Cantrell, isang babaeng palaban at walang inuurungan. Simula bata palang siya ay alam na niyang may kakaiba sa pagkatao niya pero nagbago ang kanyang buhay magm...