Chapter 42

6K 158 9
                                    

Layla's POV

"Now!"

Nang marinig ko ang hudyat ni Keira ay agad kong ihinagis ang smoke bomb na kanina ko pang hawak. Ito ang gagamitin naming paraan para makaalis at makapunta sa magandang pwesto.

Habang puno ng usok ang paligid ay siya namang punta sa bawat pwesto namin. Kanina palang ay pinagplanuhan na namin kung saan kami pupwesto.

Isang putok agad ng baril ang aking narinig nang humupa na ang usok sa paligid.

Napaka-excited naman nila. Tsk.

Tahimik lang ako dito sa isang tabi habang nagtatago. Inaantay ko talagang sila ang unang umatake at sigurado akong ganon din sila Keira.

Habang tahimik akong nagtatago dito sa isang sulok ay may narinig akong yabag ng mga paa. Mukhang paparating na ang kalaban. Mahina kong ikinasa ang hawak kong baril.

Isa na namang putok ng baril ang aking narinig at makalipas ang ilang segundo ay sunod sunod na. Mukhang nag-uumpisa na ang laban sa kabilang bahagi nitong pinagtataguan ko.

Habang nasa isang tabi ako ay narinig ko ang pagtunog ng pinto. Mukhang nandito na talaga ang kalaban. Anim kaming dumating dito nila Keira at ganon din ang bilang ng kalaban. Pantay naman ang bilang namin kaya mukhang hindi kami dehado sa labang ito.

"Uh uh! Alam kong nandidito ka! Hahaha" rinig kong sabi ng kalaban. Nag-eecho pa ang boses nito sa loob ng kwarto.

Nakatalikod siyang naglalakad kaya isa itong magandang pagkakataon para atakihin siya. Dahan dahan akong umalis sa pwesto ko at lumapit sa kanya. Hindi ko hinayaang gumawa ng ingay sa paglalakad ko para hindi niya ako mapansin. Nang makalapit ako sa kanya ay isang malakas na sipa sa hita nya ang binigay ko dahilan ng pagkatumba niya.

"Aggck—" mahinang impit nya ng matumba siya at mamilipit sa sakit. Agad naman niyang itinutok sa akin ang kanyang baril ngunit bago pa man niya iyon maiputok ay agad ko nang sinipa ang baril na hawak niya palayo.

Pinipilit niyang tumayo pero bago pa siya makatayo ay isang malakas na sipa ulit ang binigay ko sa kanya. Dahil doon ay muli siyang napa-ungol sa sakit.

Napasinghal ako dahil sa tuwa, ganon lang pala kadaling patumbahin itong kalaban ko.

Dahan dahan siyang gumapang upang abutin ang baril na sinipa ko kanina. Sa kalagayan niyang iyon ay parang nakakaawa siyang tingnan. Nang malapit na niyang maabot ang baril ay agad kong pinaputukan ang baril niya dahilan para lalo itong lumayo. Tiningnan niya ako ng masama na lalong ikinangisi ko.

Pinilit niyang tumayo kahit nahihirapan na. Pagkatayong pagkatayo niya palang ay isang malakas na suntok agad ang ipinadama ko sa kanya kaya muli siyang natumba. Kitang kita ko kung paano tumulo galing sa ilong niya ang dugo. Kung ordinaryong tao lang ang makakakita nito sa kanya ay maaaring kaawaan siya o kaya ay matakot pero dahil hindi ako ordinaryong tao at sanay na akong makakita at makaamoy ng dugo at walang epekto ito sakin.

Napakagandang pagkakataon nito para tapusin na siya. Muli kong ikinasa ang hawak kong baril at agad na itinutok ito sa kanya.

"Any last word?" nakangising tanong ko sa kanya. Umiling iling ito na parang nagmamakaawang huwag kong iputok ang baril but sad to say, wala akong awa.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon