Chapter 58

3.5K 105 7
                                    

Keira's POV

Monday na naman kaya may pasok na ulit. Ilang araw na akong absent dahil sa sobrang daming kaganapan dito sa akademya. Matagal na nung huli akong pumasok sa klase. Ang huli pa ay yung bago kami pumuntang Mortal World para hanapin ang Chosen 8. Ang dami kasing kaganapan dito sa akademya! Nakaka-stress!

Nakaupo lang ako sa arm chair ko at muling sumagi sa aking isipan ang nangyari sa Brint's Cafe kahapon.

[Flashback]

"Who is Sierra?" wala sa sariling naitanong ko bigla kay Keyster. Bigla namang napatigil si Keyster sa pagsubo ng pancake at seryosong tumingin sakin.

"Sierra? How did you know her?" tanong nya sakin. Kailan pa naging sagot ang isang tanong sa tanong? Parang lalo lang akong nainis bigla.

"Just answer my question." walang emosyong sabi ko.

"Why did you want to know her?" seryoso parin tanong niya. Bakit nga ba?

"Just answer me, you jerk!" medyo maiinis na talaga ako.

"She's my ex-girlfriend, wait... are you jealous?" sagot niya at biglang napangisi. Alam ko kung anong tumatakbo sa isip nito. Kahit wala akong mind reading ability pero parang alam ko na kung ano ang iniisip niya.

"Luh? No, I'm not!" sagot ko sa kanya. Hindi naman ako nagseselos di'ba? Tsaka ba't naman ako magseselos? May 'kami' ba? Wala naman di'ba?

"Okay, sabi mo eh!" sagot niya at loko lokong ngumiti sakin. "Well Sierra is my ex, matagal na 'yon almost three years na ang nakalipas at matagal na akong naka move-on." sagot niya. Nakamove on? Sigurado ba sya?

"Where is she right now?" tanong ko na ikinaseryoso na naman niya bigla.

"She disappeared, she's no longer here in this world." sagot niya na ikinagulo ng isip ko.

Tiningnan ko siya ng seryoso, sorry again pero medyo naguluhan ako.

"She disappeared? How come?" takhang tanong ko.

"Because of my bestfriend, Azrael. Si Azrael ay bestfriend ko at nalaman kong may lihim din siyang pagtingin kay Sierra. Sobrang importante sa kanya si Sierra to the point na nawala na yung pagkakaibigan naming dalawa dahil doon. Until one day lumabas ng akademya si Azrael at sa di inaasahang pangyayari ay nahuli siya ng mga Dark Sorcerers at napatay siya at ang guardian dragon niya. Alam mo naman ang kapalit once na mawala ang guardian dragon mo di'ba? The most precious person to you will die and disappeared at iyon nga ang nangyari kay Sierra." mahabang kwento ni Keyster. So ganon pala ang nangyari? Parang kinabahan naman ako bigla. Ang hirap ng ganong sitwasyon. Kapag namatay ang dragon mo ay mamamatay din ang taong pinakapinahahalagahan mo.

"But it's been three years already. Naka-move on na ako kaya wag kang mag-alala dahil sayong sayo na ako!" wika niya na ikinatigil ng pagkatao ko. Charr! Bigla nalang akong namula at napayuko dahil sa sinabi niya.

Is this the right time para tanungin ko siya? Tanungin tungkol sa status thingy na sinasabi ni Ashley kanina? Pero parang ang pangit naman tingnan kung akong babae pa ang magtatanong.

"I know what you are thinking Keira..." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya ng seryoso.

"What?" tanong ko.

"I know na parang mabilis ang lahat pero di ko rin maintindihan ang sarili ko. Minsan gusto kong ilayo ang sarili ko sayo pero hindi ko magawa. Habang tumatagal kasi lalo kang nagiging mahalaga sakin, lalo kitang nagugustuhan... na siyang ikinakatakot ko." wika niya. I know what he is pointing. "Keira, I can't stop my feelings for you and I know na ganun din yung nararamdaman mo sakin. Now can I ask you something?" seryosong sabi niya.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon