Chapter 51

6K 142 13
                                    

Keira's POV

"Sigurado ba kayong dito ang daan? Ang creepy ha!" wika ni Ella. Kung tatanungin nyo kung nasaan kami ngayon, naglalakad kami papuntang Portal Forest.

"Pwede ba tumahimik ka nalang? Ikaw lang ang bukod tanging reklamo ng reklamo!" sabat ni Stacey. Kaya nga, kanina pa 'yang nagsalita ng nagsalita. Nakakairita narin!

"Okay, sorry na. Mapapatawad mo pa ba ako? Hahaha" sagot ni Ella na ikinatawa naman namin.

Nandidito kaming lahat at kumpleto kami. Si Ella, Stacey, MM, Miya, Fanny, Angel, Alicia, Layla, Becca, Hared, Tammy, Leyoh, Maika, Ashley, Tuffer, Keana, Keyster at ang magandang si Ako. Ano aangal ka? Sasampalin kita! Labing walo kaming lahat na pupunta sa Omegus World. May mga hila hilang maleta yung Chosen 8 since ngayon palang sila makakapunta sa Omegus World. They will stay there for good. Actually hindi sila nagpaalam except kay Keana dahil hindi nila pwedeng sabihin kung saan sila pupunta. Hindi alam ng mga parents nila na may charm sila kaya hindi sila nagpaalam. Siguradong malaking gulo rin ito pag nagkataon.

"Nandito na tayo!" wika ni Becca. "Ako ba ang gagawa ng Portal o ikaw na Keyster?" dagdag pa ni Becca.

"Ikaw na, tss." sagot ni Keyster. Ano na namang problema ng isang 'yon? Sinasaltik na naman.

Nagsimula na si Becca na gumawa ng Portal papuntang Omegus World.

"Krachtige portal kunt u aangeven boven!"

Makalipas ang ilang sandali ay nabuo na ang isang butas at unti unti na itong lumaki hanggang sa magkasya ang tao.

"Bilisan n'yong pumasok sa loob dahil hanggang tatlong minuto lang ang kayang itagal nitong Portal na ginawa ko." sabi ni Becca kaya nagmadaling pumasok ang lahat. Makikita sa mukha ng iba na medyo kinakabahan sila dahil first time lang nilang dadaan sa Portal.

"Ano pang iniintay mo? Pumasok kana." wika ni Keyster kaya natauhan ako. Kaming dalawa nalang pala ang natitira dito at lahat sila ay nakapasok na sa Portal.

Tumango ako bilang sagot ko tsaka ako pumasok sa loob ng Portal. Pag apak palang ng paa ko ay parang hinihigop na ang katawan ko. Naririnig ko pa ang sigaw ng iba lalo na ang boses ni Ella at MM. Nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa kamay ko kasabay ng pag-ikot ikot naming dalawa sa loob ng Portal.

"Aray ang sakit! Huhuhu" sambit ni MM ng makalabas kami sa Portal.

"Parang nasusuka ako!" wika naman ni Ella.

"Mukhang ako rin, parang masusuka rin ako!" sabi naman ni Miya at tuluyan na silang nasuka. Inalis ko naman ang tingin ko sa kanila dahil baka mahawa ako at masuka rin.

"Wow!" napatingin ako kay Stacey na manghang mangha sa nakikita niya. Napatigil ang iba sa pagsusuka ng marinig ang sinabi ni Stacey.

"Hala ang ganda!" hindi makapaniwalang wika ni Fanny. Ganon din ang iba na manghang mangha sa nakikita nila sa Omegus World. Di ko sila masisisi dahil napakaganda naman talaga dito sa Omegus World.

"Nakakatuwa dahil nagustuhan nyo ang Omegus World pero nandidito palang tayo sa Enchanted Forest kaya tiyak na mas mamamangha kayo kapag nakita niyo na ang buong Listheria City!" wika ni Maika.

Mula dito sa Enchanted Forest ay matatanaw mo na ang kabuuan ng Omegus World. Napakaganda talaga sa Omegus World maliban sa parteng iyon.

"Ano yung madilim na lugar doon?" takhang tanong ni Angel nang mapansin niya ang madilim na bahagi ng Omegus World.

"Iyon ang Darkeon City kung saan nakatira ang mga kalaban natin na Dark Sorcerers at Dark Wizards, mapanganib doon kaya huwag nyo na tangkaing pumunta doon." sagot ni Layla.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon