Chapter 38

6.5K 174 4
                                    

Ella's POV

"Ella bakit ka may ganitong marka?!"

Nagulat ako ng biglang sabihin iyon ni Keira. Bigla ko tuloy natapik yung kamay nya kaya hindi niya nahawakan ang braso ko. Halos manginig ang buong katawan ko pati parang biglang nanuyo ang lalamunan ko.

Nagtatakang nakatingin siya sa akin habang nakatingin parin sa braso ko kung nasaan ang markang ipinagkaloob sakin ni Firelius, ang God of Fire. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi niya pwedeng malaman ang tungkol dito. Pinangako ko kay Firelius na hindi ko ipagsasabi ang tungkol dito hangga't hindi ko pa nahahanap ang itinakda.

"Huh? Ano bang sinasabi mo Keira?" natatawang sabi ko sa kanya. Hindi ako dapat magpakita ng pagkatakot sa kanya para hindi nya ako paghinalaan. Agad naman niyang inalis ang pagtingin sa braso ko kaya agad kong sinuot ang uniform ko para matakpan ito. Hindi ako nag-iingat. Tsk.

"Yung marka, bakit may gaonon ka? Di'ba wala ka namang ganoon dati?" seryosong tanong nya sakin.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Ah-eh i-yon ba? Wala 'yon, napagtripan lang namin ni Jona na magpalagay ng tattoo nung nakaraan kasi nagandahan kami sa design!" pagsisinungaling ko sa kanya. Maniwala ka... please!

"Ella, kilala na kita. Hinding hindi mo dudungisan ang katawan mo, sinabi mo 'yan samin dati na hinding hindi mo magagawang magpalagay ng tattoo!" sabi nya sakin. Hindi nya parin inaalis ang matalim na tingin sakin. Hanggang ngayon pala naaalala nya parin yung sinabi ko dati.

Muli akong napalunok dahil sa kaba. Hindi ko magawang hindi kabahan dahil sa kalagayan ko ngayon. "Now tell me Ella, paano ka nagkaroon ng ganyang marka?" tanong n'yang muli sakin.

Biglang napakunot ang noo ko dahil sa tanong na sumagi sa isip ko. "Teka nga Keira, bakit ba interesado kang malaman kung bakit ako may ganoong tattoo?" ngayon ako naman ang nagtanong sa kanya. Bigla nawala ang matalim n'yang titig sakin. Bakit nga ba?

"Dahil alam ko kung anong uri ng marka 'yan! Hindi 'yan ordinaryong marka Ella! Sabihin mo sakin ang totoo!" seryosong sabi nya sakin. Anong ibig n'yang sabihin na hindi ordinaryong marka ito? Hindi kaya—?

"Huwag mong sabihin na alam mo ang tungkol sa markang 'yon?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Imposibleng malaman nya ang tungkol dito.

"Oo alam ko ang tungkol sa markang 'yan, the symbol of Fire. Ella?" seryosong sabi niya na ikinatigil ko. Halos napahinto rin ako sa paghinga ng ilang segundo dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang tungkol doon?

"Keira... sorry kung nagsinungaling ako pero kailangan kong itago ito. Paano mo nalaman ang tungkol dito?" naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit niya alam ang tungkol sa Chosen of Fire?

Seryosong nakatingin siya sa akin at dahan dahan niyang itinaas ang manggas ng uniform ko. Dahan dahan niyang hinawakan ang braso ko na may tattoo ng Fire at ilang sandali lang ay biglang nagliwanag ito kasabay ng pagliwanag ng braso rin niya.

"Keira... wag mong sabihing—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong yakapin.

"Ella, ikaw ang Chosen of Fire!" naiiyak niyang sabi sakin.

Itinaas ko rin ang manggas ng uniform niya kaya nakita ko ang isang tattoo na octagon na may korona sa gitna at isang buwan. Kitang kita ko kung paano lumitaw sa loob ng octagon ang simbolo ng fire. Ngayon isang korona, isang buwan at isang apoy na ang nasa loob ng octagon. Biglang nawala ang liwanag.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon