Chapter 4

11.9K 306 4
                                    

Keira's POV

"I'm a lightning charmer, I know gising na rin ang mojo mo." paliwanag ni Becca sa sarili niyang charm. Nakangiti sya habang sinasabi 'yon.

"Now show me your charm Keira!" excited niyang sabi.

Napangiti ako sa ginawa nya. Akala ko ako lang ang may magic powers pero may katulad rin pala ako. May kasagutan na sa isa sa mga tanong ko tungkol sa pagkatao ko. Hindi na ako nag-iisa. Inilahad ko ang kanang kamay ko tsaka ibinuka ang mga palad ko. Isang iceball ang ipinakita ko sa kanya. Sapat na iyon para ipaalam sa kanya na may kapangyarihan din ako.

"Whooa! Isa ka palang ice charmer!" tuwang tuwa niyang sabi at may pag palakpak pa.

"Yeah, I guess?" sagot ko sa kanya.

Kaya siguro feeling ko kaninang umaga ay may magandang mangyayari ngayon araw, ito na siguro 'yon?

"Pero mag-iingat ka, hindi pwedeng malaman ng mga mortal na tao ang tungkol sa kapangyarihan mo dahil hindi nila tayo katulad." babala nya sakin.

"Yeah I know, sayo ko palang ito ipinakita bukod sa mga magulang ko." sagot ko tsaka ngumiti.

"How come na nandidito ka sa mortal world?" tanong nya. Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?" sagot ko sa kanya habang naglalakad kami paalis sa likod ng campus.

Nawala na rin yung naiihi kong pakiramdam kanina.

"Bakit nandidito kayo sa mortal world at wala sa Omegus World?" tanong nya. Mas lalo akong naguluhan.

"Anong Omegus World?" takhang tanong ko kaya napatigil ako at humarap sa kanya.

"Omegus World kung saan nakatira ang mga maraming charmers na katulad natin. Doon din ako galing, binigyan lang ako ng isang mission ni Head Master na humanap pa ng mga charmers dito sa Mortal World at magaling dahil isa ka sa nahanap ko." mahaba niyang paliwanag.

"So ibig sabihin marami pa ang katulad nating charmers na nandidito sa Mortal World?" tanong ko. Ibig sabihin may mundo pala kung saan nakatira ang mga katulad kong may magic powers. And take note, marami. Hindi lang ako.

"Oo, kaya nga ako nandidito dahil kailangan kong humanap ng mga katulad natin dahil unti-unti nang nagpaparamdam ang mga Dark Sorcerers sa Omegus World." mahabang paliwanag nya.

"Ano naman ang Dark Sorcerers?" tanong ko ulit. "Sorry pero madami pa akong hindi alam." dagdag ko pa. Siguro unti-unti nang masasagot ang mga katanungan ko. Si Becca ang makakatulong sakin para sagutin ang mga tanong sa isipan ko.

"Ang Dark Sorcerers ay ang masasamang charmers. Kung tayong charmers ay mabubuti sila naman ay panig sa kadiliman at masasama!" sagot nya.

"Pero matanong ko lang paano mo nalamang isa akong charmer? I mean katulad ng sabi mo kanina na naaamoy mo ako, eh ba't ako hindi ko nalamang charmer ka?" tanong ko pa.

"Kase nanggaling ako sa Omegus World kaya mas malakas ang pakiramdam ko. Ikaw kasi ay dito nanirahan sa Mortal World kaya mas malakas ang pakiramdam ko kesa sa inyo. Kapag nakarating kana rin sa Omegus World lalakas din ang kapangyarihan mo." paliwanag nya kaya napatango nalang ako.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon