Chapter 34

6.9K 175 6
                                    

Keira's POV

"Handa na ba kayong lumabas ng Academy?" narinig kong tanong ni Becca.

"Sandali lang, wala pa ang babaeng ubod ng bagal kung kumilos!" wika ni Maika.

"Di rin tayo makakalabas ng Academy kung wala pa si Ashley, nasa kanya ang gatepass natin." sabi naman ni Layla.

"Ang tagal! Ano pa ba kasing ginagawa 'non? Bakit wala pa?" tanong ko sa kanila.

"BFF napaghahalataang excited kang bumalik ng Mortal World. Haha" natatawang sabi ni Tammy. Well, di ko naman talaga maipagkakailang excited akong bumalik ng Mortal World.

Nandidito kasi kami sa Garden. Katulad ng usapan kahapon ay dito kami magkikita-kita sa may Garden ng five in the morning. At aba! Itong si Ashely nagpa-VIP na naman. Pahuli-huli na naman ng dating! Ala-sais na ng umaga pero wala parin sya.

Si Keyster, Hared, Leyoh at Tuffer nandoon sa isang mahabang bench, nakaupo. Tahimik nga nila ngayon eh. Baka excited din siguro!

Ito namang si Becca at Maika kanina pa palakad lakad na akala mo hindi mapakali. Naiinip na rin siguro kakaantay kay Ashley. Ano ba kaseng pinag-gagagawa pa ng bruhang 'yon? Ang tagal!

Ako naman pati si Tammy ay nakaupo lang din dito sa isang bench. Pinapanuod lang namin kung paano kontrolin ni Layla ang mga halaman sa garden.

Malapit na sumikat ang araw pero wala parin si Ashley. Tss.

After 20 minutes...

"Guys! Sorry I'm late!!!" sabi ni Ashley ng makarating siya.

"Bakit ba ang tagal mo Ash? Kanina pa kaming nag-aantay dito!" wika ni Maika.

"Sorry na nga di'ba? Na-late kasi ako ng gising. Sisihin nyo yung alarm clock ko na naubusan ng battery! Buti nga nagising ako eh kundi baka tirik na ang araw tulog parin ako!" sagot ni Ashley.

"Oh siya tama na 'yan, sobrang late na tayo! Dapat ala-sais nasa Mortal World na tayo!" wika ni Becca.

Tumayo na ang mga boys at lumapit samin.

"Akin na ang gatepass." sabi ni Keyster kay Ashley. Agad namang binigay ni Ashley ang gatepass namin.

"Dahil kumpleto na tayo, tara na't lumarga!" sigaw ni Hared.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng Academy. Nang makarating kami sa labasan ay ibinigay agad namin sa guards ang aming gatepass para makalabas kami.

"Oh my mission na ulit kayo? Mag-ingat kayo ah!" sabi nung isang Guard.

"Opo Mang Danilo, salamat po!" magalang na sagot ni Becca 'don sa guard.

"Walang anuman, pasalubungan nyo ako pagbalik nyo galing ng Mortal World ah!" pabirong sabi ni Mang Danilo, yung guard.

"Sige Mang Danilo! Hehe" sagot ni Becca.

"Oh sya tumuloy na kayo para maaga kayong makarating!" sabi ni Mang Danilo pagkatapos ay pinagbuksan na kami ng malaking pinto palabas ng Academy.

Nang makalabas kami ay agad na sumara ang malaking pinto. Nakita ko muli ang mataas at lumang pader ng Academy. Napakagandang pagmasdan.

"Medyo may kalayuan ang Enchanted Forest mula dito sa Akademya. Kailangan natin ng masasakyan. Di tayo makakatawag ng pegasus dahil naiwan sa Fairy Garden ang mga faries natin. So no choice tayo kundi sumakay sa mga Dragons natin." sabi ni Becca.

"Paano kami wala pa kaming Dragon?" nag-aalalang wika ni Tammy.

"Sakin ka nalang sumabay Layla." sabi ni Leyoh kay Layla. Ehem!

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon