Chapter 48

6K 144 6
                                    

MM's POV

"Oh... em... ji..." maarteng wika ko ng makita ko ang panget na kaharap ko. Like duh? She's not pretty talaga!

Tinaasan nya lang ako ng kilay matapos kong tingnan ang kabuuan nya mula ulo hanggang paa. Mali talaga, I mean isa siyang babaeng mali! Pinagkaitan ng ganda! Pinagsakluban ng langit at lupa! Mula ulo hanggang paa puro mali! Wala man lang magandang part! Ang itim niya pa. Baka isipin niyo black beauty siya ha? Nako, black lang walang beauty! Para siyang malibag na ewan. Basta parang dugyot ganon. Duh? Walang ganda ganern! Eww. Ang sama ko ba? Hahaha. Ganun talaga, I'm just stating the fact and truth hurts you know? Duh.

"Teh ano ngang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Di ko matandaan eh lalo na pag panget. The hell I care! Ganun talaga pag panget talaga, snob mo lang. Duh.

"Danica, ganda di'ba?" nakangisi niyang sagot. Huh? Ano raw?! Tama ba yung narinig ko? Ganda?! Juice colored! Saan sya humuhugot ng kapal ng mukha at lakas ng loob para sabihin yon?!

Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya. "Girl, mag-ingat ka sa mga sinasabi mo baka matokhang ka n'yan! Kabahan ka naman! Try mo kaya magkape kahit minsan!" sarkastikong sagot ko sa kanya. Duh? Totoo naman. Truth hurts!

"Bakit ba? Eh maganda naman talaga ako!" inis niyang sagot sakin. Jusko mahabaging panginoon, sumalangit nawa ang feelingera niyang kaluluwa!

"Ganda? Maganda? Teh saang banda? Paki-explain nga ng ayos dahil naguguluhan talaga ako!" pailing iling kong sagot sa kanya. Aba! Wala naman talaga akong makitang bahid ng ganda sa kanya. Napaka-sinungaling nya! Dipungal sya!

"So sinasabi mong panget ako?!" pagalit niyang tanong sakin.

"Exactly!" I rolled my eyes. Buti na-gets na nya ako. Kaloka sya, like duh?

"Ang kapal ng mukha mong laitin ako! How dare you?!" tuluyan na siyang nagalit. Parang umuusok na yung ilong niya. Duh? Ang chaka niya lalo! Promise.

"Teh di kita nilalait, dini-describe lang kita. Exaggerated ka masyado!" I rolled my eyes again. Grabe, nai-stress ang ganda ko sa kanya. Ang hirap palang makakita ng panget!

"How dare you?!" wika niya at aktong nakataas ang kamay niya para sampalin ako. Like duh? As if namang hahayaang kong dumapo ang magaspang niyang kamay sa pisngi ko. Kadiri. Ewww!

Sa itsura nya ngayon parang galit na galit siya. Yung tipong parang mangangagat na asong ulol. Ganon! Kapag panget talaga! Dito pa nag-inaso sa harapan ko. Kakaloka!

"Wala kang karapatan para sabihan ako ng ganyan! Ang sama ng ugali mo!" galit na sabi niya. At talagang ako pa ang masama sa aming dalawa? Nakakaloka siya!

"Masama ang ugali ko? Mas masama ang mukha mo!" natatawang sagot ko sa kanya.

Oo na! Mapanglait talaga ako, eh kasi naman kalait lait naman kasi talaga siya! Di ko mapigilan! Nakakainis tal—

Bigla akong napaiwas ng may kulay itim siyang ibinato sakin.

"Whoaa! That was so close!" hingal na wika ko dahil sa ginawa niya.

Tiningnan ko siya. "Excited?! Excited?! Nakakaloka ka!" wika ko sa kanya.

Nakangisi siya at hawak pa ang isang darkball? Kasing itim ng budhi at kili-kili niya yung hawak niya. Kadiri sya!

"Akala mo ba ikaw lang may ganyan? Kakaloka ka talaga!" sabi ko pa at sabay na naglabas ng iceball at agad na ibinato sa kanya.

"Ouchh!" singhal niya ng tamaan siya ng iceball ko. Napangisi tuloy ako. Di man lang nailagan. Shunga yata 'to!

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon