Keana's POV
Nagising ako sa isang maaliwalas na kwarto. Agad kong inilibot ang aking mata para alamin kung nasaan ako. Bahagya akong tumayo at napahawak sa aking ulo.
"Ugh—" singhal ko ng makaramdam ako ng kaunting kirot. Teka nasaan nga ba ako? Hindi ba't nasa Darkeon Kingdom ako at bihag ng mga Dark Sorcerers?
Nang medyo makarecover ako sa sakit ng aking ulo ay tuluyan na akong tumayo at dahan dahang naglakad. Una kong nilapitan ang bintana kung saan nakikita ko ang magandang sikat ng araw. Bahagya kong sinilip sa labas ng bintana kung nasaan ako. Maaliwalas ang paligid sa labas at nakikita ko ang mga batang naglalaro sa labas. Ito ba ang Darkeon City? Ang sa pagkakaalam ko ay isang nakakatakot na lugar iyon na puno ng masasamang tao? Wala akong maalala sa nangyari simula kagabi ng makaharap ko ang hari ng Darkeon City. Hindi ko na alam ang sunod pang nangyari matapos kong makatulog.
Nagpasya na akong lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung kaninong bahay itong tinutuluyan ko ngayon pero malaki ito at mukhang pangmayaman. Sino kaya ang may-ari nito?
Dahan dahan kong pinihit ang doorknob para buksan ang pinto. Unti unti kong sinilip ang labas... walang tao. Tahimik ang bahay na ito.
Tuluyan na akong lumabas ng silid. Sa isang malaking bintana pababa ng hagdan ay nakita ko ang aking reflection. Walang namang nagbago sa itsura ko, o baka naman panaginip lang ang lahat ng ito? Dahil ang alam ko talaga ay bihag ako ng mga Dark Sorcerers kaya paano ako makakapunta dito?
Dahan dahan akong bumaba ng hagdan. Habang pababa ako ng hagdan ay may naririnig akong nagkukwentuhan at medyo pamilyar sakin ang mga boses na iyon, hindi ko nga lang masyadong matandaan lalo na't medyo sumasakit pa ang aking ulo.
"Sa tingin mo hinahanap na kaya tayo sa akademya?" rinig kong sabi ng babae.
"Panigurado namang hinahanap na tayo. Hindi tayo nagpaalam na aalis tayo kaya sigurado akong nag-aalala na sila." rinig kong sabi ng lalaki.
Kung ganon isang babae at lalaki ang naririnig kong nag-uusap. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ligtas na ako kahit hindi ako sigurado.
"Tapusin mo na 'yang niluluto mo at gigisingin ko na si Keana para makakain na ng almusal." rinig kong sabi ng babae at hindi ko na napigilang tuluyang umiyak. Sigurado akong si Keira 'yon, ang kakambal ko! Iniligtas ba nila ako mula sa kamay ng mga Dark Sorcerers kaya ako nandidito ngayon? Parang nanlambot ang aking tuhod hindi dahil sa takot o kaba kundi dahil sa saya dahil alam kong ligtas na ako.
"Keana?!" bigla akong napatingin sa nagsalita at tama nga ako na si Keira siya. "I'm so glad that you are awake!" sabi pa niya at niyakap ako. Hindi ko na napigil pa at tuluyan na akong napaiyak.
"Shhhh, wag kang mag-alala dahil ligtas kana. Hindi ka namin papabayaan. Tahan na..." wika niya pero hindi parin ako tumigil sa pag-iyak.
"Akala ko nakalimutan nyo na ako. Natatakot ako... sobrang natatakot!" sabi ko habang umiiyak.
"Ssshhh, tahan na. Alam mo namang hindi ka namin papabayaan lalo na akong kakambal mo di'ba? We're sisters, I can't lose you!" sabi ni Keira habang yakap yakap parin ako.
—
Keira's POVMatapos ang nangyari kaninang umaga ay napagpasyahan namin nila Keyster at Keana na wag munang bumalik ng akademya. Gusto muna naming makapagpahinga ng maayos si Keana at pagalingin ang ilang sugat niya bago kami bumalik ng akademya.
"Sa tingin ko kailangan nating sabihin sa kanila na nasa atin na si Keana. Tiyak na nag-aalala na sila." wika ko habang nandidito kami sa may veranda ng kwarto ni Keyster.
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster
FantasiShe is powerful. She is no ordinary. And most of all, she is a gangster. Meet Keira Bria Cantrell, isang babaeng palaban at walang inuurungan. Simula bata palang siya ay alam na niyang may kakaiba sa pagkatao niya pero nagbago ang kanyang buhay magm...