Keira's POV
[I didn't know that I was starving 'til I tasted you...]
[Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo...]
[By the way, right away you do things to my body...]
[I didn't know that I was starving 'til I tasted you...]
Nakikinig lang ako ng music dito sa auto ko habang nagda-drive pauwi ng bahay. Sinasabayan ko pa ng pagkanta yung Starving.
[I didn't know that I... I didn't know that I... 'til I tasted you...]
[I didn't know that I... I didn't know that I... 'til I tasted you...]
May pagsayaw pa akong nalalaman habang nagdadrive. Hahaha.
[By the way, right away you do things to my body...]
[I didn't know that I was starving 'til I tasted you...]
Pinatay ko na yung kanta nung nasa tapat na ako ng bahay. Bumusina pa ako para pagbuksan ako ng gate ng katulong. Matapos kong makapasok ay ipinark ko na sa garage yung kotse ko.
"Hey Mom, I'm home!" malakas na sigaw ko ng makapasok ako ng bahay.
Nadatnan ko si Mom na nakaupo sa couch habang nanunuod ng TV. I don't know kung anong pinapanuod nya. I'm not interested at all.
"Hello Sweetie! Good mood ka yata ngayon ah?" sabi ni Mom.
Sabagay kahit ako nalilito rin sa sarili ko, masyado lang talaga sigurong maganda ang araw ko ngayon. Kasing ganda ko!
Pero mas maganda ako...
Biruin mo 'yon binati ko si Mom pagkadating ko na unusual ko namang ginagawa. Dati rati kasi pagkating ko galing sa school papasok lang ako ng bahay at aakyat na sa kwarto ko.
"Yeah, I guess. Where is Dad?" sagot ko tsaka tinanong si Mom.
"He's in his room, paper works thingy." sabi naman ni Mom.
"Ah, by the way I have something to tell both of you." sabi ko tsaka ngumiti.
"What is it? I guess it's a good news right?" sagot naman ni Mom.
"Yeah, but I will tell it after kong magbihis. So I got to go!" sabi ko tsaka nagtatakbo paakyat ng kwarto ko. Di'ba nga galing akong school kaya magpapalit muna ako ng damit.
Pagkapasok ko ng kwarto ay nagpahinga lang ako ng konti tapos ay naligo ako. Pagkatapos ay blinower ko yung buhok ko at nang matuyo ay inipit ko ng pa-bun shape. Naglagay ako ng kaunting pulbos sa mukha at tsaka humarap sa salamin.
Ang ganda ko talaga, partida pulbos lang yan at walang make-up!
Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ay napansin kong biglang nag-iba ang kulay ng mata ko. My natural eyes' color are brown pero sa nakikita ko ngayon ay biglang naging ocean blue. Agad kong pinikit ang mata ko tsaka muling iminulat ito. Nakahinga ako ng maluwag dahil bumalik ito sa dating kulay.
Namamalik mata lang siguro ako, tama ganun nga... Iiwas iwasan ko na nga ang pagpupuyat.
Matapos 'non ay bumaba na ako.
Nasa couch parin si Mom at wala parin si Dad. Nasa office room nya parin siguro.
"Mom, doon nalang tayo mag-usap ni Dad sa office room nya." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster
FantasyShe is powerful. She is no ordinary. And most of all, she is a gangster. Meet Keira Bria Cantrell, isang babaeng palaban at walang inuurungan. Simula bata palang siya ay alam na niyang may kakaiba sa pagkatao niya pero nagbago ang kanyang buhay magm...