Chapter 57

3.8K 99 8
                                    

Keira's POV

Nakabalik na kami ngayon ng akademya. Okay na okay na si Keana, nabalik na nya ang kanyang nawalang lakas kaya nagagamit na ulit niya ang mojo niya.

"Myghadd Keira na-miss ko kayo!" malakas na sabi ni Ella nang makita niya kami. Agad niya kaming niyakap ng mahigpit at ganon din yung iba pa.

"Nakakainis kayong dalawa ni Keyster alam mo ba 'yon? Bakit umalis kayo ng hindi nagsasabi samin? Pwede mo naman kaming isama para matulungan namin kayo!" nagmamaktol na sabi ni Becca. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko dahil alam ko namang may mali rin ako.

"Hayaan mo na Becca, tapos na naman at nangyari na." iyon nalang ang nasabi ko. I don't know what to say.

"Ang samin lang naman pwede mo naman kaming hingan ng tulong hindi yung sasarilihin mo nalang lahat. Kaibigan mo kami after all, kasama at katulong mo kami sa lahat ng bahay. Walang iwanan di'ba?" sagot ni Becca. Napatungo nalang ako. Masyadong nakaka-guilty.

Nandito kami ngayon sa dorm nila Keana. Si Keana talaga yung pinaka-kinamusta nila. Alam kong sobrang nag-alala sila kay Keana. Lahat sila ay nandidito rin kaya medyo masikip. Hello? Ang dami kaya namin. Pati nga si Carley ay nandidito rin eh. Masyado talaga silang nag-alala para samin kaya pagdating palang namin nagsipuntahan agad sila dito.

Parang may kulang yata?

"Carley bat hindi mo yata kasama si Audrey?" bigla ko nalang naitanong sa kanya.

"H-uh? Ah—eh, busy kasi Audrey kaya hindi siya nakapunta ngayon. Hehe" sagot niya. Parang may iba sa kanya. Well baka sobrang napapagod lang yung kambal.

"Ganun ba? Ikamusta mo nalang ako sa kanya ah? Medyo matagal ko narin kasi kayong dalawa na hindi nakikita. Haha" wika ko sa kanya. Tagal ko ring hindi sila nakita, masyado akong naging busy nitong nakaraan kaya wala akong masyadong naging balita sa kambal na 'yon.

"Y-eah sure. Haha" sagot naman niya.

Tiningnan ko sila isa-isa at kita ko sa mga mata nila ang saya. Nakita ko si Stacey, she looks good but I know deep inside nasasaktan parin siya. Paano pa kaya pag nalaman niyang isang dark sorcerer si Adam? Nakwento kasi sakin ni Keana ang lahat nang nangyari simula nung naging bihag siya sa Dark Kingdom. Kinuwento niya sakin na ang ex-boyfriend ni Stacey na si Adam ay kanang kamay pala ng hari ng Darkeon City. Pero hanggat maaari ay ayaw kong makialam sa kanila, ayaw kong pasukin ang buhay ni Stacey. I know her a lot, ayaw niyang pinapakialaman ang buhay niya pero sa oras na may hindi magandang gawin 'yang Adam na 'yan sa oras na magkita silang dalawa, hindi ko na alam ang magagawa ko. Stacey is one of my bestfriends and ayaw kong nasasaktan sila. They are more than bestfriend for me, they are my so called sisters!

Hindi rin kami nagtagal sa dorm nila. Inihabilin ko bago umuwi kila Alicia si Keana na bantayang mabuti dahil mahirap na baka mapasugod na namang bigla ang mga dark sorcerers. I also told them na mag-ingat sila.


Nakahiga ako ngayon dito sa kama ko. Medyo pagod kasi ako kaya gusto ko munang magpahinga.

Naramdaman kong may matigas na bagay sa jacket na suot ko kaya kinuha ko ito.

Yung Magic Spell Book.

Simula nung nakuha ko ito ay hindi ko pa ito natitingnan. Masyado kasi akong busy kaya hindi ko man lang nagalaw. Alam kong makapangyarihan ang librong ito kaya alam kong magiging malaki ang pakinabang nito sakin.

Binuksan ko ang libro at samu't saring mga salitang hindi ko naman maintindihan. Mga iba't ibang spells ang nandidito. May mga spells na pwedeng magpagalaw ng bagay. Basta marami!

Gusto kong subukan kung gagana ba.

"Gushvara hashdi peruo!"

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon