Keira's POV
Ala sais palang ng umaga ay nagising na ako. Ewan ko ba kung bakit ang aga kong nagising ngayon. Feeling ko may magandang mangyayari ngayong araw na ito. Kahit late na ko nakatulog last night maganda parin ang mood ko. Bumangon na ako sa kama ko at humarap sa salamin ng kwarto ko.
Kahit anong panget ng tulog ko, gumigising parin akong maganda. Tss.
Dahil maaga nga akong nagising ay sinimulan ko na ang morning rituals ko. Naligo, nag-toothbrush at pagkatapos ay blinower ko ang buhok ko para matuyo agad. Matapos ay sinuot ko na ang school uniform ko at lumabas na ng kwarto.
Pagkababa ko ay nakita ko sila Mom and Dad sa dining table eating their breakfast. Napababa ang dyaryong binabasa ni Dad at humigop ng coffee nya tsaka tumingin sakin.
"What happen sweetie at maaga kang gumising ngayon?" curious na tanong ni Dad at humigop ulit ng kape nya.
"Nothing Dad, maaga lang talaga akong nagising ngayon." sagot ko tsaka umupo para sumabay sa kanila magbreakfast.
"That's new sweetie" dagdag ni Mom. Parang napaka big deal sa kanilang maaga akong nagising ngayon. Kahit 15 years old na ako ay sweetie parin ang tawag nila sakin. Tss. Di ko nalang pinansin at sinimulan ko nang kumain.Pagkatapos ay kinuha ko na ang gamit ko para makaalis na at pumasok na sa school.
"I have to go Mom and Dad" paalam ko sa kanila.
"Okay Sweetie, take care!" sabi ni Mommy tsaka ako umalis at pumunta ng garage. Inistart ko na ang auto ko at umalis na.
Pagkadating ko sa school ay pinark ko na ang auto ko, may sarili akong parking lot. Tss.
Pumasok na ako ng gate, nagtitinginan na naman ang mga estudyante sakin. Makatingin ang mga ito parang ngayon lang nakakita ng maganda sa buong buhay nila. Di ko sila masisisi dahil biniyayaan ako ng ganda ng maykapal. Hahaha.
Taas noo akong maglakad sa hallway, bawat lalaki ay napapatingin sakin. No wonder, maganda ako. Di ko sila masisisi kaya kahit nakalampas na ako sa kanila ay humahabol parin ang tingin nila sakin.
Nang makarating ako sa classroom ko ay konti palang ang estupidyante. Wala pa ang mga bruha kong kaibigan. Masyado pala talagang maaga. Kahit ako naninibago ako dahil maaga akong pumasok. Naupo ako at ipinikit ko ang mga mata ko.
—
"Aba! Keira anong nakain mo at maaga kang nagising at pumasok?!" napamulat ako dahil sa malakas na sabi ni Ella. Tss. Dumating na pala ang mga bruha."Himala Bes! Isa itong himalaaaa!" dagdag pa ni MM. No doubt, may mga saltik nga ang mga ito.
"Magpapaparty na ba tayo? Hahaha" dagdag pa ni Stacey.
"Anong nakain at nangyari sayo at maaga kang pumasok?" tanong ulit ni Ella.
"Sigurado akong magugulat ang babaeng leon mamaya pag pumasok na sya sa klase natin. Hahaha" sabi ni MM. Babaeng Leon ang tawag nya dun sa teacher namin na terror na si Miss Cogler.
"I wonder kung ano ang magiging reaction nya dahil maagang pumasok ang palaging late! Hahaha" si Ella. Di ko nalang pinansin ang sinasabi nila. Mga wala namang kwenta. Masyadong big deal sa kanila ang pagpasok ko ng maaga.
Maya maya ay dumating na si Miss Cogler. Pagkapasok nya palang ay napatingin sya agad sakin. Parang gulat na gulat syang makita ako. Di ko sya masisisi dahil palagi nga akong late pumasok at ngayon naunahan ko pa sya. Hahaha. Minsan pala nakakatuwa ring pumasok ng maaga.
"It's a miracle, you're here Miss Cantrell and you're not late. Good for you." linya nya habang nakatingin sakin. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Dahil wala akong pake ay di ko na sya pinansin. Tss.
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster
FantasyShe is powerful. She is no ordinary. And most of all, she is a gangster. Meet Keira Bria Cantrell, isang babaeng palaban at walang inuurungan. Simula bata palang siya ay alam na niyang may kakaiba sa pagkatao niya pero nagbago ang kanyang buhay magm...