Chapter 13

10.4K 286 23
                                    

Keira's POV

Nandito kaming tatlo ngayon sa cafeteria para kumain ng breakfast. Ako, si Layla at Tammy. Tinatamad daw kase magluto si Tammy kaya dito nalang namin naisipan kumain ng agahan. Si Tammy lang kasi ang may alam pagdating sa pagluluto kaya heto kami, dito sa cafeteria ang bagsak namin.

Halos nakatingin nga samin yung ibang kumakain dito sa cafeteria. Bago lang kasi kami dito kaya ganun. Hindi pa nila kami kilala or pwede ring nagagandahan sila samin, specially sakin. *ehem*

Nga pala, pinautang kami ni Becca ng pera kahapon para kahit paano ay may magamit kaming panggastos. Iba raw kase ang pera dito sa Omegus World hindi tulad ng sa mortal world. Nakukuha raw ni Becca ang pera galing sa parents nya o di kaya sa mga missions nilang ginagawa.

Sa susunod nga sasama ako kay Becca sa mga mission para naman may sarili kaming pera dito. Nakakahiya naman kung palaging sa kanya kami mangungutang. Hindi naman kasi pwedeng ipalit ang pera ng mortal world sa pera dito sa Omegus World.

Lau (Lawo) kase ang tawag sa pera dito samantalang sa Mortal World ay peso pero depende kung saang bansa. WALANG MONEY CHANGER DITO! Tss.

"Layla paabot naman ng catsup..." utos ni Tammy kay Layla. Inabot naman ni Layla yung catsup kay Tammy at ipinagpatuloy ang pagkain.

Maaga pa naman mag-7am palang kaya wala pang klase. Ang aga nga nila akong ginising, 5am palang kinakalabog na nila yung pinto ng kwarto ko. Hirap daw kase ako gisingin.

Hindi na namin inabala si Becca dahil alam na naman namin kung saan ang cafeteria. Di rin nagtagal ay natapos kaming kumain.


Maraming pagala galang students dito sa hallway. Hindi pa kasi umpisa ng klase.

Kami namang mga bago ay hindi pa alam kung saang room. Ngayon palang kasi ang leveling. So tsaka pa namin malalaman kung saan kami pagkatapos ng leveling. Kapag mas ginalingan ay mas mataas ang makukuhang points, so malaki ang chance na mapunta sa Extraordinary and that's my goal. To be part of them.

Ayon kay Becca iilan lamang ang nabibilang sa extraordinary. Kadalasan daw kasi ay mga elemental users lang. Sabi nya pa halos nasa 20 students lang daw ang nakapasa sa extraordinary.

"Ang tagal naman, nakakainip maghintay dito." pagrereklamo ni Tammy.

"Kaya nga, pinagtitinginan na tayo dito ng mga tao." dagdag ni Layla.

Nandito kasi kami sa may hallway. Nakaupo sa may bench. Nag-aantay kung anong sunod na magaganap. Hindi naman kami pwedeng pumasok sa mga rooms dito dahil hindi pa namin alam kung saan kami kabilang.

"Good Morning to all of the freshmen students, please go to the Arena for leveling!"

"Good Morning to all of the freshmen students, please go to the Arena for leveling!"

"Good Morning to all of the freshmen students, please go to the Arena for leveling!"

Rinig naming paulit ulit mula sa mga nakakabit na speakers sa buong academy.

"Ayan tara na sa Arena!" sabi ni Layla kaya tumayo na kami para pumunta sa Arena.

"Kinakabahan ako. Whooo!" sabi ni Tammy at huminga ng malalim at binuga ito.

"Wag kang kabahan, think positive lang!" sabi ko kaya napatingin sya sakin. Parang gulat na gulat sya sa sinabi ko ah? Para 'yon lang, weird nya.


Tammy's POV

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon