Chapter 65

4.7K 108 44
                                    

Stacey's POV

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko pero parang pinagsakluban ng langit at lupa ang buhay ko. Nung marinig ko palang ang boses niya sobrang kinabahan na agad ako, inisip ko na sana panaginip lang ito. Na sana hindi siya ang taong iniisip ko ngayon. Na sana hindi siya ang taong iniisip kong makita ngayon.

Dahan dahang ibinaba nung lalaki yung hood ng cloak niya at doon na tuluyang pumatak ang luha ko.

"A-dam..." mahinang sambit ko sa pangalan niya.

"S-tacey..." gulat din niyang sambit ng pangalan ko. Hindi niya siguro inaasahang makikita niya ako dito ngayon. Katulad ko, hindi ko rin inaasahang makita siya ngayon dito.

Akala ko ba kaya siya nakipag-break sakin at iniwan ako dahil naka-arrange marriage siya? Bakit ngayon nakikita ko siyang nandidito sa harapan ko tapos naka-itim na cloak?

"P-paano ka napunta dito?" tanong ko sa kanya. Nangangatal na ang bibig ko nang sabihin ko ang mga salitang iyon.

"I-ikaw? Paano ka nakarating dito?" tanong niya rin.

"Sagutin mo ang tanong ko Adam! Anong ginagawa mo dito at paanong naging ganyan ka?!" hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi magtaas ng boses sa kanya. All this time, akala ko kaya siya umalis kasi magpapakasal na siya sa iba. Hindi ko alam na ganito yung malalaman ko ngayon! Doon pa nga lang sa nalaman ko dating naka-arrange marriage na siya sobrang nasaktan na ako pero ngayon mas tumaas ng isang libong porsyento ang sakit na nararamdaman ko!

"S-stacey..." tawag niya ulit sa pangalan ko.

"Sabagay, bakit pa nga ba ako nagtatanong sayo eh kita na naman ng dalawang mata ko kung ano ka. Alam mo ba na nung araw mismo na nakipaghiwalay ka sakin at iniwan mo ako... biglang nagbago ang buhay ko? Anong ginagawa ko dito sa mundong ito? Isa ako sa Chosen 8, Adam... na mahigpit na kalaban niyo!" wika ko pagkatapos ay pinahid ko ang luhang dumadaloy sa pisngi ko.

"H-hindi ko alam na mangyayari ito! Please umalis na kayo! Umalis kana Stacey! Umalis ka na sa mundong ito!" wika ni Adam.

"Bakit? Sabihin mo nga kung bakit?!" tumaas na naman ang boses ko.

"Dahil ayaw kitang mapahamak! Dahil... dahil mahal parin kita..." wika niya na nagpatigil sakin. Ano? Mahal niya parin ako? Pero pinili niyang maging masama kesa sa makasama ako?

"Please, umalis kana... umalis na kayo bago pa mahuli ang lahat!" muling sabi ni Adam.

"Ano bang sinasabi mong umalis? Hindi pwede dahil magagalit si Haring Darius!" sabi nung isang kasama nila.


Keira's POV

"Paki-usap, hayaan na lamang natin silang makatakas..." sabi ni Adam.

"Hindi maaari Adam! Kung hahayaan natin sila, tayo naman ang malalagot sa Hari! Nag-iisip ka ba?! Wala akong pakialam kung mahal mo pa 'yang babae iyan! Ang mas mahalaga ay ang mission natin! Walang lugar ang pag-ibig na 'yan dito! Naiintindihan mo ba?!" galit na sabi nung isa. Mukhang nag-tatalo na sila. Napapikit na lang si Adam.

Napatigil naman si Adam na parang malalim ang iniisip. Makalipas ang ilang segundo ay nagsalita na siya. "Tama, walang lugar ang pag-ibig dito. Patawad!" sabi ni Adam at naglabas ng espada. Agad naman kaming naghanda.

Akala ko ay papatakasin na nila kami ng matiwasay pero nagkakamali pala ako. Tiningnan ko si Stacey na parang wala na sa sarili. Panay lang ang iyak niya.

"Ella, ilayo nyo muna si Stacey! Hindi maganda ang sitwasyon niya ngayon!" sabi ko kila Ella na sinang-ayunan naman nila.

Nilapitan nila si Stacey para ilayo pero nagpumiglas siya.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon