Keira's POV
"Miss Keira please get inside the glass wall. Your time starts now! Goodluck!" sabi ng Emcee ng makarating ako sa unahan.
Agad naman akong pumasok sa loob ng glass wall dahil tumatakbo na ang sampung minuto ko.
Pagpasok ko pa lamang ay nagbago na agad ang paligid. Unti unting nagkaroon ng mga puno at makakapal na damo. Nasa isang gubat na ako. Isa lamang itong illusion pero parang totoo. Iba talaga ang nagagawa ng mahika.
Nagsimula na akong maglakad para maghanap ng mga creatures. Habang naglalakad ako ay may nakita ako sa kaliwa kong malaking halimaw at unti unti na itong naglalakad papalapit sakin.
Nang makalapit na sya ay umungol sya. Sa ungol nya palang ay mahahalata mong mabangis ang isang ito. Kulay pula ang mga mata at umiilaw ito. May makakapal na balahibo. May matutulis na ngipin at tumutulo ang laway. Ewww! Napansin ko rin na ang laway nito ay parang asido. Bawat damong napapatakan ng laway nya ay nalulusaw. Delikado ang isang ito. Kailangan kong mag-ingat!
Napansin ko ring malaki ang points na taglay nya, 874 points. Nasisigurado kong malakas ito. Ilang metro na lang ang layo nya sakin. Umungol ito ng malakas at sinugod ako.
Nagpalabas ako ng sunod sunod na ice balls at ibinato ko ito sa kanya pero mukhang hindi sapat ang ginawa ko dahil parang walang talab sa kanya. Umuungol lang ito tuwing tatamaan sya ng ice balls ko.
Sumugod sakin ito kaya inihanda ko ang sarili ko sa gagawing atake ng halimaw. Bawat atake nya ay iniilagan ko lang. Gumawa ako ng ice blades na itsurang snow flakes at ginawa ko itong parang shuriken. Isa isa ko itong ibinato sa kanya at unti unting nagkaroon ng sugat ang halimaw. Napaungol na naman ito sa sakit dahil sa ginawa ko.
Hinipan ko ng malakas ang lupa parang maging yelo ang inaapakan ng halimaw. Sa sobrang kinis ng pagkakagawa ko ay nadulas ang halimaw nung humakbang siya kaya natumba sya. Isa itong magandang pagkakataon kaya gumawa agad ako ng malalaki at maraming ice knife at ihinagis ko ito sa kanya.
Tusol tusok ang katawan nito dahil sa saksak ng ice knives ko kaya unti unti na itong naglaho. Akala ko mahihirapan ako sa isang ito. Mabilis ko rin palang mapapatumba. Akala ko pa naman ay malakas ang halimaw dahil malaki ang points niya pero weak din pala! Pwe.
Naglakad na ulit ako hanggang sa makarating ako sa parang field. May mga mababang damo at mga bulaklak.
Hahakbang na sana ulit ako kaso biglang may malakas na hampas ng hangin akong naramdaman kasunod ng malakas na tunog ng phoenix. Napatingala ako upang makita ang kabuuan nya. Kulay asul ang mga mata at nagliliwanag din ito. May taglay itong 553 points. Pero paano ko ito mapapatay kung nasa himpapawid ito? Hindi ko naman maaaring gamitin ang elemento ng hangin sa ngayon. Sayang rin naman ang points noon kung lalampasan ko lang. Mabuti sana kung may secret weapon din ako katulad ng kay Layla na pana!
Gumawa ako ng isang iceball na kasing laki ng bola ng billiards. Tinantsa ko na kung malapit ang phoenix bago ko ito patamaan. Nang malapit na ay ibinato ko na ang iceball ko kaya naagaw ko ang atensyon nito.
Galit itong lumipad patungo sakin. Mabilis itong lumipad at hindi ko inaasahang nagpaulan ng daggers. Yung pakpak nya ay naglalabas ng napakaraming daggers. Mabilis akong gumawa ng ice barrier para protektahan ang sarili ko sa mga paparating na daggers mula sa phoenix.
Kailangan kong mag-isip ng paraan para mapatay ang phoenix na iyon, kung may secret weapon lang din sana ako ay hindi ako mahihirapan!
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster
FantasyShe is powerful. She is no ordinary. And most of all, she is a gangster. Meet Keira Bria Cantrell, isang babaeng palaban at walang inuurungan. Simula bata palang siya ay alam na niyang may kakaiba sa pagkatao niya pero nagbago ang kanyang buhay magm...