Chapter 18

9.7K 274 4
                                    

Keira's POV

Nasa loob na kami ng room at inaantay na lang na dumating si Miss Cathy. Ang iingay ng mga kaklase ko at ang gugulo. Puro mga harutan at daldalan. Sabagay, ordinaryo lang naman para sa mga students ang ganoong ugali.

Ngayon na kasi kami magre-report sa kanya. Sa totoo lang medyo kinakabahan ako. Ang dami ko kasing nalaman tungkol sa report ko. Pakiramdam ko isa ang nalaman ko sa bahagi ng tunay kong pagkatao.

Biglang natahimik ang classroom ng pumasok na si Miss Cathy. Bumalik sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase ko.

"Good Morning Class!" bati ni Miss Cathy nang nakarating sya sa unahan. "Miss Stiltner, please proceed here in front for your report." ma-awtoridad na sabi ni Miss Cathy.

Tumayo na si Becca dala-dala ang mga gagamitin nya sa report. Nakahanda na sa unahan ang projector. Pinatay naman ang ilaw ng room para maaninag ng maayos ang projector.


Becca's POV

Isinalpak ko na sa laptop ang flashdrive na gagamitin ko para sa report ko. Naka connect ang projector sa laptop. Sa totoo lang bawal gumamit ng gadgets dito sa akademya pero kung tungkol naman sa mga project or reporting purposes ay maaaring gamitin. Hindi kasi allow ang mga mamamayan ng Omegus World na gumamit ng gadgets.

"Okay Good Morning everyone, my report is all about History of Omegus World!" panimula ko. Ipinakita ko mula sa projector ang picture ng kabuuan ng Omegus World.

Nakatingin lang sa unahan ang lahat ng kaklase ko at mataimtim na nanunuod at nakikinig.

"Ano nga ba ang Omegus World?" panimula ko sa topic na ibinigay sakin ni Miss Cathy.

"Ang Omegus World ay parang isang mundo katulad ng Mortal World pero maliit lamang ito. Nahahati ang Omegus World sa anim na bahagi. Una ang Fareon City kung saan matatagpuan ang Fire Kingdom..." sabi ko at ipinakita ang buong Fareon City mula sa projector. "Ang Fire Kingdom ay pinamumunuan nina King Hamuel at Queen Ezra. Pareho silang Fire Charmer. Biniyayaan sila ng isang anak, ang prinsipe ng Fire Kingdom. Si Keyster Garrett!" sabi ko at tumingin sa gawi ni Keyster. Nag-'tss' lang sya. Sungit talaga! Hahaha. Alam naman ng lahat na prinsipe ng Fire Kingdom si Keyster.

Inilipat ko sa larawan ng Aquareon City gamit ang projector. "Sunod naman ang Aquareon City kung saan naman matatagpuan ang Water Kingdom. Napapaligiran ito ng karagatan. Pinamumunuan ito ni Queen Jeizzel and King Ford. Magaling at maganda ang pamamalakad ng hari at reyna. Aware naman tayong lahat na si Maika Hoang ang sunod na mamumuno sa buong Aquareon City dahil siya lang ang nag-iisang prinsesa ng Water Kingdom!" tiningnan ko naman ang gawi ni Maika at kinindatan ako. Baliw talaga ang isang iyon!

"Ang ikatlong bahagi naman ay ang Eortheon City kung saan naman matatagpuan ang Earth Kingdom." sabi ko matapos kong ilipat sa picture ng Eortheon City. "Pinamumunuan naman ito nina Queen Edna at King Earthon. Ang sunod na taga pagmana ng Earth Kingdom ay ang gwapong si Hared Brodd." sabi ko. Napatingin naman ako kay Hared. Kinindatan naman ako ng boyfriend ko. Oo boyfriend ko 'yang si Hared. Kinilig naman ako bigla. Yiiieee! Charrr! Hahahaha.

Inilipat ko naman sa larawan ng Aireon City gamit ang projector. "Ang ikaapat na bahagi naman ay ang Aireon City. Dito rin matatagpuan ang Air Kingdom. Alam ng lahat na hindi matatagpuan sa lupa ang Air Kingdom dahil nasa ibabaw ito ng ulap. Pinamumunuan ito ng kasalukuyang hari at reyna na si King Aireo at Queen Aira. Ang sunod namang taga-pagmana ay si Tuffer Airus. Ang Aireon City ay kilala bilang magaling gumawa ng mga sandata. Katunayan ay sila ang lumikha ng Barkong pang himpapawid na gagamitin kung sakaling dumating ang oras ng digmaan. Matatagpuan ang barkong pang himpapawid sa labas ng Magicus Academy." paliwanag ko. Iyon ang barkong lumulutang na nakita nila Layla nung pumasok sila dito sa Academy.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon