Chapter 1

25.6K 452 61
                                    

Keira's POV

"Oh aalis kana?" narinig kong sabi ni Mom nang nakasalubong ko siya.

"Yeah, I have to go Mom. I'm getting late." sagot ko at tinapunan lang siya ng tingin dahil konting oras na lang male-late na naman ako sa school.

"K. Take care!" Mom. Yeah ganyan 'yan minsan ka cold si Mom, she's a Mafia Queen. She can kill whoever she wants.

Kasalukuyan akong nag-aaral at fourth year student na sa Cantrell International School, an elite school para sa mayayaman at makapangyarihang tao lang, 'yung maraming connections. Hindi basta-basta nakakapasok ang sino man sa school na ito dahil chinecheck muna ang profile mo pati ang business n'yo. At oo, pagmamay-ari namin ang school na ito. What do you expect? Mayaman at makapangyarihan kami.

Nang makalabas na ako ng mansion ay sumakay na ako ng auto ko papunta sa school. Hindi naman kalayuan ang CIS sa mansion namin kaya agad din naman akong nakarating.

Taas noo akong naglakad papasok ng school after kong mai-park ang auto ko. Syempre alangan namang yumuko ako edi sayang ang ganda ko? Tss.

Halos lahat ng nakakasalubong ko ay umiiwas ng tingin o di kaya ay umaalis na lang sila maliban nalang sa ibang mga lalaki na tila napako na naman ang tingin sakin. What do you expect again? Maganda, sexy at dyosa ako in short taong perfect, walang mali. Pero matakot kana kapag tinitigan na kita because I can kill you anytime.

Kilala o sikat ako sa school na ito hindi dahil kami ang may-ari nito kundi dahil ang group ko ang RANK #1 sa Gangster Category, marami ring gangster groups dito sa school but no one can beat us.

Pumasok na ako sa room ko kung saan nagkaklase na ang isang teacher. Diretso lang akong naglakad at umupo sa pwesto ko.

"You're late again and again and again Miss Cantrell!" malakas na sigaw ng isang walang kwentang teacher sakin. Pero wala man ni isa ang tumawa o tumingin sakin, aba takot lang nila.

"The hell I care" cold at mataray kong sagot sa kanya at tinaasan ng isang kilay dahil wala naman talaga akong pake sa kanya.

Hindi naman sumagot ang teacher dahil alam naman niyang hindi siya mananalo sakin kaya eto ako ngayon ngiting tagumpay. Kahit paano naman ay nakikinig ako sa mga tinuturo nila 'yun nga lang talaga may pagka-maldita lang talaga ako minsan.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ang klase.

"Aba Keira, late kana naman! Hahaha" sabi ni Ella. She's Ella Morgan isa sa mga kaibigan at kagrupo ko sa pagiging gangster. She's good about using katana. She's an assasin. Kaya niyang ilagan at hatiin ang bala ng baril na tatama sa kanya using her katana only.

"Ano pa bang bago, she's always late naman. Duh?!" si MM. She's Maria Mercedes Cassandra Chang. A half Chinese, half Filipino. She's good about using dagger. Magaling din siyang gumawa ng mga bombs.

"Tumahimik na nga lang kayo kung ayaw niyo pang mamatay!" sabat naman ni Stacey Min. A half Korean, half Filipino. She's good about using guns well kahit naman sino saming apat ay magaling gumamit ng baril pero siya, she can shoot you kahit gaano ka man kalayo. She's a reaper, a long range shooter!

"Oh sasagot pa!" sabi ko nang magsasalita pa sana si MM kaya hindi na niya natuloy pa dahil tinaasan ko na siya ng kilay.

"Chill mga Bes, I surrender na!" natatawang sagot ni MM sabay itinaas ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko na. Minsan ang isang ito di mo malaman kung may sayad ba talaga o takas sa mental.

Kahit naman gangster kami ay masaya at nagtatawanan parin naman kami. Para parin kaming ordinaryong tao. Di ko nga alam kung bakit takot na takot sila samin. Hindi naman kami pumapatay ng mga inosente at nang walang dahilan.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon