Chapter 14

9.9K 282 18
                                    

Keira's POV

"So ano pang hinihintay natin? Let's start the leveling!" malakas na sigaw ng Emcee kasabay ng hiyawan ng mga tao sa loob ng Arena.

Itong katabi ko? Si Keyster, tahimik lang habang nakatingin sa unahan pero minsan napapansin kong nakatingin sya sakin tapos kapag makikita ko ay biglang mabilis na aalisin ang tingin sakin. Para siyang timang!

Unang tinawag ng Emcee ang isang babae na may pangalang Corrine.

"Here are the mechanics of leveling. First you will get inside the glass wall. The glass wall serves as barrier. Hindi ito basta basta nasisira o nababasag. Once na nakapasok kana sa loob ay magbabago ang lahat, everything! But don't worry it's only a perfect illusion made by our professional illusionists. After that ay may makikita kang mga monster or creatures na may kaakibat na score. You will fight them using your charm and weapon. Once you defeated the creatures you will get the score. But ang matatamo mong mga sugat, kung mayroon man ay totoo mong mararamdaman pero don't worry dahil marami tayong magagaling na healers. So everyone has only had 10 minutes to do the task. Once the time is up, kung anong score mong nakuha ay iyon ang counted pagkatapos. And last, ang final score mo ay makikita sa monitor kasabay sa kung anong level ka mapupunta. Either Elite, Class-S or Extraordinary. So everyone get ready!" mahabang paliwanag ng Emcee tungkol sa mechanics ng leveling. So ganoon pala ang mangyayari. May 10 minutes lang para doon.

(Author's Note!!! - Hindi ko na po isusulat yung ibang mga kasali sa leveling, magfo-focus lang tayo kila Keira.)

Isa isa nang tinatawag ang mga freshmen students na kasali sa leveling at isa isa namin silang napanuod. Magagaling din naman sila. May nakakuha ng matataas na score at nakapunta sa Class-S Level. May mga time manipulator, mind reader, body manipulator, sound, illusionists, telekinesis, projection, harmonizer, cloning at marami pang iba. May kanya kanya silang ability na kayang gawin pero wala pang nakakapasok sa Extraordinary Level.

"Nice performance Miss Tammy Haelus, let us see how many points you earned." sabi ng Emcee. Kakatapos lang kasi ni Tammy. "Oh, you got 1,247 points! Congrats and welcome to the Class-S Level!" dagdag pa ng Emcee at nagpalakpakan naman kami. Tuwang tuwa naman si Tammy sa nakuha niyang points. May ilang mga galos at sugat rin siyang natamo kaya nagdiretso sya ng punta sa mga healing team.

"Hindi ba't healer si Tammy, why don't she heal herself?" takhang tanong ko kay Becca.

"Siguro hindi nya kayang gamutin sa ngayon ang sarili nya dahil marami siyang galos at maraming mojo ang nagamit nya. So mahina ang kapangyarihan nya. Pero in fairness ang galing ng ipinakita ni Tammy. Isa lang siyang healer pero nakarating sya sa Class-S. Ang expectation ko ay nasa Elite lang sya katulad ng ibang healer but well expect the unexpected. Two thumbs up for her!" paliwanag at papuri ni Becca kay Tammy.

"Tanong ko lang paano nagkaroon ng weapon si Tammy?" tanong ko pa. Paano kasi habang nasa loob sya ng glass wall ay nagkaroon sya ng mirror. I mean yung mirror na iyon ay kayang hanapin kung nasaan ang mga creatures. Para siyang maliit na monitor tapos nakikita nya doon kung anong nangyayari sa paligid nya. Kaya nya ring paramihin ang mirror na iyon at lusawin ang halimaw sa pamamagitan ng reflection ng mirror nya.

"Ah iyon ba? Iyon ang secret weapon, every charmer has secret weapon. Look at this..." sabi ni Becca at ipinakita ang singsing nya. "Akala mo simpleng singsing lang ito but kaya nitong maging sword!" dagdag nya pa. Huh? Paano naman magiging sword ang singsing? Joker din itong si Becca minsan. Hahaha

"Paano magiging sword 'yan eh ang liit liit n'yan? Hahaha" natatawa kong sagot. Nakakatawa naman kasi talaga. Biruin mo 'yon? Hayys.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon