Chapter 9

10.7K 247 4
                                    

Keira's POV

Tahimik lang sila kaya ako na ang bumasag sa katahimikan nila.

"Ngayon ay mag-uusap tayong lahat ng masinsinan! Wala munang magsasalita hangga't wala pa akong sinasabi!" maaawtoridad kong sabi. Tahimik parin sila at nakatingin sakin.

"Ako na si Keira na dyosa *ehem* na Leader ng Malefic Slayers at si Layla na Leader ng Spear Thunders ay nagkaayos na." panimula ko.

"What?!" biglang sabat ni MM.

"Sige sasampalin kita! Sinabing ako nga muna ang magsasalita eh!" irita kong sagot kay MM na ikinatahimik nya. Ayun, busangot ang mukha.

"So ito na rin siguro ang tamang oras para magkaayos na tayong lahat! Maging magkakaibigan tayo, hindi ba maganda iyon?" sabi ko sa kanilang lahat.

Gusto ko rin magkaayos sila bago kami umalis mamayang gabi.

Tahimik parin sila. "Oh pwede na kayong magsalita." sabi ko ulit.

"Ako makikipagkaibigan sa mga panget na 'yan?! Aba matinde! It's a big NO! Over my sexy and gorgeous body!" sabi ni MM. Siya talaga ang unang nag-react. Halos napataas naman kami ng kilay sa sinabi nya.

"Anong sabi mo?! Kami pa talaga ang panget huh?!" iritado namang sabi ni Miya.

"Eh bakit totoo naman ah?!" sabi naman ni Ella.

"Hoy! Ang kapal naman ng mukha nyo para sabihan kami ng panget! Akala nyo ba magaganda kayo? Pwes nagkakamali kayo. Mukha kayong paa!" sabat naman ni Angel.

"What?! Kami mukhang paa?! Eh ano pa kayo? Mukhang mga palaka!" inis na sabi ni Stacey.

"Wow huh?! Kami pa talaga?" sabat naman ni Fanny.

Jusko, akala ko madali lang silang magkakaayos pero ano bang nangyayari? Panay palitan lang sila ng laitan sa sarili nila.

"TAHIMIK!!!" malakas na sigaw ko na ikinatahimik nila. Jusko, pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa cafeteria. Mga chismosa!


Ella's POV

"TAHIMIK!!!" napatigil kami sa pagbabangayan dahil sa malakas na sigaw ni Keira.

Like duh?! Ano bang gusto nya? To make friends with those ugly creatures? Yuccck! Naiisip ko palang pero nasusuka na ako. Sa ganda kong ito? Aba hindi naman tama 'yon.

Why so unfair Keira?

"Hindi ba mas maganda kung magiging magkakaibigan tayong lahat? Hindi ba kayo nagsasawa sa mga pag-aaway nyo? Look at me with Layla, we're okay, we're friends now. Ang sarap sa pakiramdam. Di'ba Layla?" sabi ni Keira. Well, may point naman sya. Nakakasawa nga namang makipag-away sa kanila.

"Yeah Keira, masarap talaga sa feeling!" sagot ni Layla tsaka ngumiti. Hindi bagay sa kanya! Sos mariosef!

"Ang hirap naman ng gusto mo Keira eh, sila? Seryoso ka ba?" sabi ni Stacey tapos para siyang kinikilabutan. Yeah, I feel her.

"Yes, I'm dead serious about this!" sagot ni Keira. "Why don't you try girls? Wala namang mawawala, instead may madadagdag pa nga!" dagdag nya pa.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon