Keira's POV
Simula nung mabasa ko ang nasa sulat ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko habang tumatakbo ang oras ay lalong mapapahamak sila Mommy at Daddy. Nakasaad sa papel na nasa hindi magandang kondisyon sila Mommy at Daddy same with the parents of Layla and our gang.
"We need to get back at my mortal world as soon as possible!" nag-aalalang sagot ko.
"Nag-aalala na ako kila Mommy, I don't know what to do!" wika ni Layla. "Kahit sabihin pa nating charmers sila, hindi basta-basta ang galawan sa mundo ng Mafia!" dagdag pa nya. She's right kaya napakagat labi nalang ako.
"We need to talk to Mister Crossrey para makapagbukas tayo ng portal pabalik ng mortal world!" wika ni Becca.
"Bakit ngayon pa naman nagkaganito ang sitwasyon? Nasa hindi magandang kalagayan ang Omegus World tapos ngayon pa sumabay ang Black Organization!" nag-aalala at naiinis kong sabi. Yes, the black organization ang mahigpit na kalaban namin sa mundo ng mafia. They are not easy to down, marami silang hawak na illegal transactions and also hindi pa namin alam kung sino ba ang master mind of that organization. All I know is they are bad, very cruel to the point na hindi lang illegal drugs and equipments ang binebenta nila kundi pati puri at buhay ng tao.
"Kung ganon kailangan naming sumama, sa mga sinabi mo mukhang hindi sila madaling mapabagsak. Kailangan nyo ng tulong namin." wika ni Keyster.
"Nahihibang kana ba?! Kung sasama kayo samin tapos biglang lumusob ang mga Dark Wizards and Sorceres? Sino ang magliligtas sa mga estudyanteng nandidito sa paaralang ito? Alam nyo namang itong school na ito ang magiging battle field!" I said.
"Keira is right, we need to stay here and protect the life of the students. All we need to do is to wait for them until they finish their task and get back here." it's Ashley.
"Kaya na namin 'yon. Don't worry I'm with Ella and MM together with Layla, Angel, Miya, Fanny, Carley and Audrey. We are gangsters at alam na namin ang kalakaran sa ganong mundo. You can't help us. Kung gusto n'yo talagang makatulong, just stay here and wait for us dahil mas magiging kampante kami sa ganong sitwasyon." I said. Mas makakapag-isip ako ng ayos kung maiiwan sila dito at hindi naman nila alam kung anong klase ng mundo ang mayroon sa mafia in the first place. We, the gangsters only knows that thing!
"So Ella, MM, Layla, Miya, Fanny, Angel, Carley and Audrey maghanda na kayo dahil babalik tayo sa mortal world as soon as possible. Meeting adjourned!"
Matapos ang meeting ay umalis na sila Becca papunta kay Head Master para humingi ng basbas para makapagbukas ng portal pabalik ng mortal world. Kami namang siyam nila Ella ay naghanda ng ilang gamit. Aalis din kami agad mamayang umaga. Huwag lang sanang sumabay sa paglusob ang mga dark wizards and sorcerers sa ganitong sitwasyon. Hintayin muna nila kaming makabalik bago namin sila pataying lahat. Bwiset!
—
Tirik na ang sikat ng araw nang makabalik kami sa mortal world. Pagdating namin sa bahay sa nagkalat ang mga gamit at wala kahit isang tao. Magulo ang buong paligid na parang may nangyaring hindi maganda. Gustuhin ko mang umiyak dahil sa nakikita ko pero kailangan kong pigilin at kailagan kong maging malakas at matatag. Hintayin lang ako ng mga taga black organization at ako mismo ang tatapos sa buhay nila!Hindi pa namin alam kung nasaan sila mommy at ang parent nila Layla. We need to track their location first para malaman namin kung nasaan sila.
"Pupunta tayo sa secret place namin para magprepare ng mga weapons. Doon din tayo magpaplano kung ano ang gagawin natin, kailangan nating paghandaan ito para wala nang buhay pa ang mawala!" sabi ko. I miss Stacey.
Pagdating namin sa secret place namin ay naghanda na agad kami. Kanya-kanya silang kuha ng mga baril, bombs, daggers at kung anu-ano pang weapons.
"Girls, we don't know kung sino ang tunay na kalaban. Prepare yourself and stay safe." wika ko.
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster
FantasyShe is powerful. She is no ordinary. And most of all, she is a gangster. Meet Keira Bria Cantrell, isang babaeng palaban at walang inuurungan. Simula bata palang siya ay alam na niyang may kakaiba sa pagkatao niya pero nagbago ang kanyang buhay magm...