Chapter 37

6.3K 175 5
                                    

Keira's POV

"Guys ready na ba kayo?" tanong ko sa kanilang lahat.

Ala una na ng hapon ng makarating kami sa CIS. Nandidito na kami (ako, si Tammy, Becca, Ashley, Maika, Layla, Tuffer, Leyoh, Hared, Keyster at ang kakambal ko na si Keana) ngayon sa loob ng office, kinausap ko pa kasi yung registrar nitong school namin para makapasok sila kahit walang mga documents. Nakasuot narin kami ng school uniform, buti nalang ay may mga stocks pa ng uniform.

"Yeah, ready na kami!" sabi ni Tammy.

"Parang kailan lang ay nag-enroll ako dito. Hahaha" sabi ni Becca. Iyon yung mga panahong kinailangan niyang mag-enroll dito para maghanap ng mga charmers.

"Tara na para makapasok na tayo sa klase natin. Basta guys, act like a normal!" wika ko sa kanila.

Sabay sabay kaming lumabas ng office. Kaunti lang ang mga students na nakikita namin dito sa labas dahil may klase na yung iba.

Habang naglalakad kami, bawat students na nakikita namin ay hindi maiwasang mapatingin samin. Siguro ay nagtataka sila dahil bagong mga estudyante ang kasama ko plus nakita pa nila ako at ang kakambal ko. Matagal din kasi kaming nawala dito kaya tiyak na nagtataka talaga sila.

Napadaan kami sa grupo ng mga kababaihan. Sa itsura palang nila ay alam ko nang malalandi sila. Paano ba naman ang kakapal ng make-up at nagpupulahan ang mga labi. Tss.

"Oh my God! Sino sila?!"
"Bes ang gwapo nila!"
"Si Keira nagbalik na!"
"Oo nga Bes, teka sino yung kamukha nya?"
"Oo nga Bessy, baka kambal nya?"
"May kakambal ba sya?"
"Ang alam ko wala naman!"
"OMG! Ang gwapo ng mga boys!
"Papabol Bessy!"
"Magtigil ka bakla, akin 'yan!"
"Walang sayo gaga! Akin silang lahat!"

"Mga Bes back off! Akin siya!" sabi nung isang naka blue na headband sabay turo kay Keyster. Tss.

"Huwag nyo nalang silang pansinin. Ganyan talaga ang mga estudyante dito!" wika ko sa kanila.

"Grabe pala mga estudyante dito sa school nyo Keira, parang mga hayok sa lalaki! Hahaha" biro ni Tammy.

"Hayaan nyo lang sila, mga walang magawa 'yan sa buhay!" wika ko sa kanila.

"Saan ba yung room natin Keira?" tanong ni Hared.

"Malapit na tayo basta once na nakapasok na tayo sa loob ng room act like a normal person. Okay?" babala ko sa kanila. Mahirap na, baka mag-asta silang charmers. Nasa ibang mundo kami.

"Keira dito na yung room ko. Goodluck sa inyo!" wika ni Layla nang mapadaan kami sa room nila.

"Bye Layla! Goodluck!" sabi namin sa kanya. Nag-wink naman samin si Layla bago tuluyang pumasok sa room nila.

Magkahiwalay kasi kami ng section kaya hindi namin sila kaklase. Ang kaklase ni Layla ay sila Fanny, Angel at Miya. Sila Keana, Becca, Tammy, Ashley, Maika, Hared, Tuffer, Leyoh at Keyster naman ay kaklase ko. Mas maigi nang mabantayan ko sila. Mahirap na dahil naglipana dito ang mga walang kwentang estudyante.

"Dito na tayo. Goodluck guys!" sabi ko sa kanila ng makarating kami sa building namin.


MM's POV

"Miss Chang answer the problem on the board!" malakas na sabi ni Ma'am. Jusko bakit ako pa ang tinawag nya para magsagot don? Myghadd! Wala nga akong sagot eh! Grabe sya.

Biglang may kumatok sa pinto kaya nagpunta doon si Ma'am para buksan at tingnan kung sino ang kumatok.

"Hoy MM, sagutan mo na 'yon! Hahaha" sabi sakin ni Ella.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon