Chapter 8

10.6K 257 9
                                    

Keira's POV

Alas siete na ng umaga ng magising ako. Unusual late na naman akong papasok nito sa school dahil 8am  ang start ng class ko.

Masyado yata akong napagod sa ginawa naming mission kagabi. Pero kahit anong puyat ko heto maganda parin ako...

Nagsimula na akong gawin ang mga morning rituals ko. Naligo, nag-toothbrush at kung anu-ano pa. Nang matapos ay kinuha ko na ang gamit ko tsaka bumaba.

"Good Morning sweetie!" nakangiting bati sakin ni Mommy. Nasa dining table sila at nagbe-breakfast.

"You're late again sweetie, join us bago ka pumasok sa school." sabi naman ni Daddy tsaka humigop ng kape nya.

"No Dad, I'm getting late. Time is running so sa school nalang ako kakain." sabi ko.

"It's up to you sweetie, basta kumain ka mamaya okay?" sabi naman ni Mommy. They really care for me.

"Yes Mom!" sagot ko.

"By the way Dad, nailigpit na namin si Alfred Johnsons." sabi ko kay Dad.

"Yeah I see..." sabi ni Dad tsaka ipinakita sakin ang news paper na hawak nya. Bilis naman nasa dyaryo na agad.

"Good job sweetie!" sabi naman ni Mommy.

"They deserve to die anyway!" sagot ko. Naikwento ko rin ang tungkol sa Black Market na ARUBA. Sila na raw ang bahala doon. "So I have to go! Bye!" dagdag ko pa tsaka lumabas na ng bahay.

Sumakay na ako sa auto ko at nagdrive na papuntang school.


Nagkaklase na ang guro ng pumasok ako sa room. Diretso lang ako sa pagpasok at umupo sa pwesto ko na parang hindi nakita ang teacher sa unahan.

"Ms. Cantrell! You're late again!" sabi ng terror na teacher. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Binabayaran sya ng school para magturo hindi para sitahin ako. Tss.

Iginala ko ang tingin ko at nakita kong nandidito na sila MM, Ella at Stacey. Ganoon din si Becca na nasa tabi ng upuan ko.

"Psst! Keira!" mahinang sitsit ni Becca kaya napatingin ako sa kanya.

"What?" mahina kong sagot sa kanya.

"Mamaya, 'don tayo sa garden, ipapakilala ko sayo yung tatlo pang charmers." mahinang sabi ni Becca. Sapat na para marinig ko dahil magkatabi lang naman kami.

Oo nga pala ngayon nya ipapakilala yung tatlong charmers na nahanap nya dito sa CIS.

"Sige..." tipid kong sagot tsaka ngumiti. Ewan ko ba parang nae-excite ako.

Maya maya pa ay natapos na ang klase kaya umalis na ang teacher pati ang iba naming kaklase. Ako si MM, Ella, Stacey at Becca nalang ang natira dito sa loob ng room.

"Tara na mga Bes! Nagugutom na ako!" sabi ni MM ng makalapit sya samin ni Becca.

"Ako rin nagugutom na! Di pa ako kumakain ng breakfast!" sabi naman ni Ella.

"Ah mauna na kayong tatlo, may gagawin lang kami ni Keira. Di'ba Keira?" sabi naman ni Becca kaya napunta sakin ang atensyon ng tatlo.

"Ah oo, pero mabilis lang kami. Susunod nalang kami sa inyo sa cafeteria." sagot ko.

"Saan naman kayo pupunta?" tanong ni Stacey. Jusko anong isasagot ko? Tumingin ako kay Becca para sya ang sumagot sa tanong ni Stacey.

"Diyan lang sa Dean's Office. Nagkaproblema kasi ako sa documents ko eh papatulong lang ako kay Keira dahil sila naman ang may-ari nitong school. Hehe" pagsisinungaling ni Becca.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon